PAGKALAPAG ng private jet ni Ian Paulo sa helipad ng mismong Villa Esperanza ay kaagad siyang bumaba at iniikot ang paningin sa buong kapaligiran. Mula sa taas ay matatanaw niya halos ang buong bayan lalo na ang Hacienda Rodriguez na dating pinag trabahuan ng mga tunay na magulang.
Malaki na ang iniunlad ng bayan na kanilang sinilangan at kinamulatan at mas marami na rin ang kabahayan ngunit ang nananatiling pinakamayaman at maimpluwensya sa lugar ay si Senyor Franco Rodriguez. Nang maalala ni Ian Paulo ang dating amo ng itay at inay niya ay hindi niya maiwasang hindi umusbong ang nakatagong galit at poot sa mga ito.
"Ang lalim naman yata ng iniisip mo," tawag ni Matthew sa pansin ng nakababatang kapatid.
Napalingon naman si Ian Paulo sa kuya niya na umakyat pa sa helipad para salubungin siya.
"Wala kuya may naalala lang ako," may konting pait na sagot ni Ian Paulo.
Nabasa naman ni Matthew ang iniisip ng kapatid. "Whatever it is huwag mo nang isipin pa iyon, mas mabuti kung ang masasama at malulungkot na mga pangyayari ay ibaon na natin sa limot."
"I wish I could kuya. But, no matter how much I tried di ko pa rin makalimutan ang ginawa nila kina Inay at Itay noon," may himig paghihimagsik na salita ni Ian Paulo na ang tinutukoy ay ang mga dating amo sa hacienda.
"Sa mga magulang ka lang ba talaga galit o sa anak nila na lihim mong hinangaan at pinangarap noon?" tanong ni Matthew na ang tinutukoy ay ang anak ni Senyor Franco Rodriguez na si Georgina halos kaedaran ito ni Ian Paulo at hindi lingid sa kanya ang malalim na pagtingin ng nakababatang kapatid sa batang anak ng amo nila noon.
Natahimik naman si Ian Paulo. Maya-maya ay nagsalita.
"Kung noon ay lantaran niya akong lait-laitin sisiguraduhin kong sa susunod na magkita kami ay tutulo ang laway niya sa akin at baka di niya mamalayan nalaglag na panty niya sa harap ko," may himig pagbibiro na turan ni Ian Paulo ngunit nandoon ang pait at galit para sa dating kababata.
Natawa naman si Matthew sa sinabi ng kapatid. "Mana ka talaga sa akin, gwapong-gwapo sa sarili," natatawang saad ni Matthew.
"Bakit, totoo naman ah? Ang gwapo ko na kaya ngayon ang mga babae nga na nanonood sa mga games ko halos itapon ang mga panty nila sa akin habang nasa football pitch ako eh mapansin ko lang," pagyayabang ni Ian Paulo sa kuya niya na lalong napangiti si Matthew at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa.
"Hahaha...tama na nga iyan baka saan pa mapunta ang usapan natin. Alam ko naman na gwapo ka maski noon na para kang kawayan na panuhog sa litson dahil sa sobrang payat mo. By the way, how long are you gonna stay here?" tanong ni Matthew.
"This time hanggang sa magsawa ako sa Filipina pussy saka ako babalik sa England," pabirong sagot ulit ni Ian Paulo.
"Seriously…," saway ni Matthew sa kalokohan ng kapatid.
"Actually kuya nandito ako para pansamantalang personal na pangasiwaan ang mga negosyong naipundar ko lalong-lalo na iyong mga bangko dahil doon ang pinakamalaki kong nilabas na kapital," sagot ni Ian Paulo na sumeryuso sa pakikipag-usap sa kuya niya.
"That's good to hear. Sa negosyo dapat may personal touch ka kung hindi mo man magawang maging hands-on all the time. Hindi pwedeng iasa mo lahat sa mga tauhan dahil kung sa barko ikaw parin ang captain at sayo nakasalalay ang biyahe," payo ni Matthew.
"I understand kuya and thank you," sang-ayon naman ni Ian Paulo at sumunod na sa kapatid pababa.
"You're welcome and welcome home. This Villa is for all of us this is our home so you can stay as long as you want at sinadya kong ipagawa ang helipad para sa kanya-kanya nating private jets andiyan din ang mga sasakyan ikaw na magpili kung alin ang gusto mong gamitin. Llilipad din ako kaagad pabalik sa Manila sinalubong lang kita," hayag ni Matthew.
"Okay kuya say hi to the kids and Priscilla," saad ni Ian Paulo.
Pagkaalis ng kuya Matthew niya ay pumasok na siya sa kwarto na para sa kanya. Binagsak ang sarili sa malambot na kama hanggang sa nilamon kaagad ng kapaguran at antok dahil na rin sa jetlag. Maghapon siyang natulog at gabi na nang magising tamang-tama ay kinakatok na siya ng mayordoma para kumain ng hapunan.
"Iho, Ian Paulo gising na at kumain ka muna," tawag ni Manan Rosa sa labas ng kwarto.
Pupungas-pungas naman na bumangon si Ian Paulo para pagbuksan ng pinto ang matanda.
"Sige po Manang Rosa susunod na lang po ako kailangan ko lang pong magshower at magpalit ng damit," saad ni Ian Paulo sa mayordoma.
"Ipaghahain na lang kita ibinilin ni kuya Matthew mo ang mga paborito mong pagkain bago siya umalis kanina," hayag ni Manang Rosa.
"Ah okay po Manang salamat po," sagot ni Ian Paulo bago isinara ang pinto.
Pagkatapos mag shower ay pumili ng T-shirt at shorts na pwede niyang maisuot tsaka bumaba sa hapag-kainan. Habang kumakain ay naalala niyang magtanong-tanong sa mayordoma tungkol sa mga bagay na gusto niyang malaman.
"Manang, mula po noong pinaalis kami sa hacienda Rodriguez gaano pa po kayo katagal nanilbihan doon bilang katulong?" tanong ni Ian Paulo hindi niya mapigilan ang sarili na hindi alalahanin ang nakaraan.
"Matagal pa iho, halos doon na ako tumanda ngunit ng nagkasakit ako ay pinaalis na ako nila Senyora Clarissa dahil baka daw ako makahawa," kwento ni Manang Rosa.
"Ano po ang naging sakit niyo manang?" tanong ulit ni Ian Paulo.
"Nagkaroon din ako ng tuberculosis at kinailangan kong mag gamot ng anim na buwan. Ang akala ko pag gumaling na ako ay pababalikin din ako nila Senyora ngunit kumuha na sila ng kapalit ko, mabuti na lang at nagkataon ipinatayo na ni kuya Matthew mo itong Villa kaya nag-apply akong katulong. Hindi naman ako nakalimutan ni kuya mo kaya tinanggap niya ako kaagad rito at ginawang mayordoma," pagkukwento ulit ni Manang Rosa.
Tumango-tango naman si Ian Paulo at parang nag-isip ng malalim.
"Iyong anak po nila na si Georgina may asawa na ba?" tanong ulit ni Ian Paulo.
"Ha? Iyon eh wala yatang balak mag-asawa ang batang yan hanggang ngayon ay napaka pihikan sa mga manliligaw sa kanya walang pumapasa sa mataas na standards niya kaya ayun dalaga pa rin," kwento ulit ni Manang Rosa.
Lihim naman napangiti si Ian Paulo.
"Ganun po ba Manang...eh anong trabaho niya ngayon at nasaan siya?" pangungusisa pa ni Ian Paulo.
"Ang huling balita ko ay nasa Maynila daw at doon maganda ang trabaho pero minsan naglalagi naman sa hacienda para tulungan ang mga magulang niya," sagot ulit ni Manang Rosa.
"Eh, iyong hacienda po manang kamusta?" tanong ulit ni Ian Paulo.
Napabuntong hininga naman ang matanda at nameywang. "Ayon ang balita ko ay malapit na raw mailit ng bangko dahil hindi nakakabayad sa interes at hindi rin nakakapaghulog sina Senyor Franco dahil madalas manalasa ang malalakas na bagyo nitong mga nakaraang taon at walang napapakinabangan sa mga pananim pati ang mga saging ay dinapuan din ng mga sakit kaya matagal ng hindi makaani ng maayos ang hacienda. Naisipan naman ni Senyor Franco na pumasok ng ibang negosyo kaya isinanla ang buong hacienda at ang mansion nila sa bangko para makakuha ng sapat na kapital ngunit parang pati ang mga iyon ay hindi rin maganda ang takbo,"salaysay ni Manang Rosa.
Tumango-tango ulit si Ian Paulo ipokrito siya kung sasabihin niyang hindi siya nakaramdam ng tuwa sa mga nalaman.
"Saang bangko daw po nakasanla Manang?" parang excited na tanong ni Ian Paulo.
"Iyon ang hindi ko alam iho, pero sigurado akong isa sa mga malalaking bangko sa siyudad," sagot ni Manang Rosa.
Tinapos na ni Ian Paulo ang pagkain niya at nagpaalam na ulit para pumanhik sa kwarto niya. Pagkarating sa kwarto niya ay hindi siya mapakali at palakad-lakad habang nag-iisip.