PAGLABAS ni Trina mula sa gate ng bahay ni Daryll ay agad na lumapit sa kanya si Clarence. "Oh, anong nangyari?" tanong nito. Napabuntong hininga siya. "D-Dito na muna ako, Clarence. Kailangan ako ng anak ko, eh." Kumunot naman ang noo ni Clarence. "What do you mean? Huwg mong sabihin na dito ka titira kasama ang gago mong asawa?" hindi makapaniwala nitong tanong na agad naman niyang kinatango. "Hindi ko pwedeng iwan ang anak ko." Tipid siyang ngumiti sa kaibigan. "Don't you worry, okay lang ako. Sige na pwede ka nang umalis." Napaasik naman si Clarence. "Tsk. At talagang inataboy mo na ako ngayon," nakasimangot nitong sagot at marahan na hinaplos-haplos ang kanyang buhok. "Basta tawagan mo lang ako kung may problema, okay?" Marahan naman siyang tumango. "Oo na, alis na.” Napailing