NAPABALIKWAS ng bagon si Trina nang makitang maliwanag na sa buong silid. Akmang bababa na siya mula sa kama nang bumukas naman ang pinto ng bathroom, kaya napabaling ang tingin niya dito. “So you're awake,” ani Clarence na lumabas mula sa bathroom habang nakatapis lang ng puting tumalya. Bagong ligo ito at tumutulo pa ang basa nitong buhok padaloy sa mga mababato nitong mga abs. “Umaga na pala, dapat ginising mo ako kagabi.” Napabuntong hininga naman si Clarence at agad na naupo sa gilid ng kama. “Ayokong istorbohin ang tulog mo kagabi kaya hindi na kita ginising.” Napanguso siya sa kaibigan. “Tsk. Hindi pa ako nakakain mula kagabi tapos hindi mo man lang ako ginising.” Napaawang naman ang labi nito. “Oh,I'm sorry, kitten. Hindi ko naisip na hindi ka pa pala kumakain. But don't worr