1 Month Later TANGING tunog lang ng kubyertos ang maririnig habang sila'y kumakain. Panay ang sulyap nila sa isa't-isa pero agad ding napapaiwas tuwing nagtatama ang kanilang mga tingin. "Sana ako na lang ang namatay," mahinang wika ni Daryll habang nakatingin lang sa sarili nitong plato. "He is my only brother but now he's gone because of me. He killed himself para lang mai-donate ang puso niya sa akin. He sacrificed his own life for me." Napatigil naman si Trina sa akmang pagsubo. "Magpahanggang ngayon ba naman ay sinisisi mo pa rin ang sarili mo? Stop blaming yourself, Daryll. Wala kang kasalanan. Pahalagahan na lang natin ang pagsasakripisyo niya para sa'yo." "It's been a month pero ang hirap pa rin tanggapin." Daryll sighed and looked at her. "Am I selfish, Trina?" Saglit naman