ISANG TIMBA ng malamig na tubig ang nagpamulat sa mga mata si Trina. Sa kanyang pagmulat ay dalawang magkasunod na sampal agad ang bumungad sa kanya. Para siyang nahilo sa lakas ng pagkakasampal sa kanyang magkabilaang pisngi. Gulat siyang napatingin sa paligid. Agad niyang nakita ang tatlong lalaking nakatayo na mga dalawang dipa lang ang layo sa kanya, pare-parehas na nakatingin sa kanya ang mga ito. Hindi niya masyadong makita ang mga mukha ng mga lalaki dahil may kadiliman na ng konti ang kinaroroonan ng mga ito. Dim lang ang light na nakatutok sa kanyang uluhan na gumagalaw-galaw pa, kaya hindi masyadong maliwanag, pero halata naman na sa kanya nakatingin ang mga lalaki. Agad siyang napatingin sa kanyang harapan para makita kung sino ang taong malakas na sumampal sa kanya, pero ga