MAAGA pa lang ay nagising na si Trina para bumisita sa ospital. Habang nagmamaneho ay iniisip niya si Daryll, pinagdarasal niya na sana ay may donor na para mapanatag na ang loob niya, dahil wala na siyang ibang ginawa kagabi kundi ang umiyak sa kuwarto, kaya pakiramdam niya ay pagang-paga na ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. Kaya naman nagsuot na lang siya ng shades para hindi makita ang pamamaga ng kanyang mga mata. Pagkarating niya ay agad na siyang bumaba ng kotse at nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Pero pagdating niya sa room ni Daryll ay ganoon na lamang ang kabang naramdaman niya nang makita ang mga doctor na kakalabas lang sa emergency room kung saan naroon ang kanyang asawa. Kaya agad siyang lumapit dito. "A-Ano pong n-nangyari, doc? K-kumusta po 'yung asawa ko?"