FRANCHESKA POV
MAAGA akong nagising dahil na rin siguro sobrang saya ko. Hindi na ako makapaghintay na mag—celebrate ng 18th birthday ko dahil legal na ako and magkakaroon na rin ako ng sarili kong car.
Iyon ang promise ni grandpa sa akin.
Lahat ng mga Lazaro niyang apo once na dumating sa 18th birthday or legal age ay binibigyan niya ng car. Kaya hindi ako makapaghintay na makuha iyon.
Bakit naman kasi ang bagal lumipas ng February?
Teka, mas mabagal pala iyong January. Sobrang bagal na parang pagong.
Nakaligo na rin ako at nagbihis ng uniform namin, Lazaro University. Inayos ko ang aking buhok na nilagyan ko ng shiny effect.
“We can go now, Francheska. Ako lang naman ang isa sa mga magagandang babae sa Lazaro University. Sobrang perfect na natin,” nakangiting sabi ko habang nakatingin sa vanity mirror ko.
Tumayo na rin ako at dumiretso lumabas habang dala ang shoulder bag ko. “Good morning!” Nakangiting bati ko sa mga kasambahay namin.
“Good morning po, Miss Francheska.” bati ni ate Pola sa akin, siya ang close ko sa kanya dahil three years lang ang agwat namin.
Ngumiti lang ako sa kanya at bumaba, dumiretso ako sa dining hall namin at nakita ko sina dad, mom and kuya Harold na nandoon.
“Good morning po!” bati ko sa kanila at naupo sa tabi ni mom.
“Good morning, sweetheart. Maaga ang pasok ninyo?” tanong ni mom sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Yes po, mom. May problem po yata sa house nila Rosy today kaya gusto niyang maaga kaming pumasok,” sabi ko sa kanya at nagsandok na rin ako.
Napatingin ako kay kuya Harold at lumipat ang tingin ko kay dad na tahimik lang ngayon. Lagi naman siya tahimik, kaya hindi rin kami gaanong close.
“Ang mga De Vera? May problema ba sa business nila, Francheska? Wala naman akong nasasagap na balita about sa business nila,” baritonong tanong ni dad sa akin.
“Um, hindi tungkol sa business nila, dad. Personal problem niya iyon and I want to help her lang because weʼre best friend. You know,” sagot ko sa kanya.
Nakita ko ang pagtingin at pagtango niya sa akin. “I thought ay may problem na sila sa business nila.”
Bakit parang pakiramdam ko ay gusto niyang magkaroon ng problema ang mga De Vera?
Weird talaga ni dad.
“Henry, pinapatanong ni dad kung free ka ba this weekends? May itatanong pala siya sa iyo.”
“Weekends? Saturday or Sunday?”
Hindi ako nagre—react sa pinag—uusapan nina dad and mom, maging si kuya Harold ay tahimik lang din.
“Saturday. Alam mo namang family day ang Sunday sa mga Lazaro—”
“Hindi ko pʼwede, Frances. Pakisabi kay Don Miguel na hindi ako pʼwede.”
Dinecline niya ang request ni grandpa, really?
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni mom kaya sinipa ko si kuya Harold at sinenyasan siya. “Ah! Mom, what about ako na lang pupunta? May kailangan din akong sabihin kay grandpa.” sabi ni kuya Harold. “Mukhang busy si dad this weekends kaya ako na lang.”
“Dapat lang, Harold. Ikaw ang susunod sa yapak ko at magko—control sa business nating cheese. Kaya ikaw ang pumunta at makipag—usap kay Don Miguel para sa akin,” sabi ni dad na hindi pa rin nagbabago ang tone ng voice niya.
“Okay, dad.”
Hindi na lang ako umiimik at tinapos ang pagkain ko, mabilis akong tumayo. “Mauuna na ako sa inyo. Bye, mom, dad and kuya Harold.” paalam ko sa kanila at bineso sila sa kanilang pisngi.
“Mag—aral nang mabuti, Francheska.”
“Of course, dad!” malakas kong sagot at lumabas na rin sa bahay.
Nadatnan ko sa labas si kuya Jeffrey, ang driver ko. “Good morning po, Miss Francheska. Pasok na po kayo,” sabi niya at binuksan ang pinto ng backseat.
Pumasok na rin ako sa loob ng backseat. “Thanks po, kuya Jeffrey!” nakangiting sabi ko sa kanya. Ningitian lang niya ako at sinara na rin ang pinto.
Pumasok na rin siya sa loob ng driver seat at mabilis na nagmaneho papunta sa Lazaro University. “Kuya Jeffrey, same time lang din po. Or, Iʼll text na lang kapag napaaga ako ng uwi. Bye po! Ingat po sa pagda—drive,” paalam ko sa kanya at lumakad na ako papasok sa loob ng university namin.
Kinuha ko ang aking phone at chinat ko si Rosy kung nasaan na siya.
Francheska:
Rosy, where are you?
Nasa campus na ako.
Oh my gosh! Sobrang aga ko today, ganito pala ang campus kapag sobrang agad mong dumating, sobrang tahimik.
Peaceful! Kaya where are you?
Chat ko sa kanya at hinihintay ko siyang magreply sa akin.
Nakarating na ako sa classroom namin sa second floor, by floor kasi ang year level dito. Nakita kong sobrang tahimik sa paligid, ako pa lang ang nandito. Hello, ten in the morning pa ang pasok namin. Naupo na lang ako sa table ko habang nakatingin sa aking phone, hinihintay kong magreply si Rosy sa akin.
“Oh, nagreply na siya!” nakangiting sabi ko at inopen ang kanyang message.
Rosy:
Nandito na ako, Cheska!
I got a vanilla coffee and cheese bread.
Napangiti ako sa nabasa ko.
Francheska:
Good. Come on here sa classroom natin. Nandito ako.
Sinend ko agad ang reply ko at nilapag muli ang aking phone sa table. Hindi rin nagtagal ay dumating na rin si Rosy na may bitbit na pagkain.
“Hereʼs your vanilla coffee and cheese bread, Cheska!” Nilapag niya ang isa roon sa table ko.
“Thanks!” sabi ko sa kanya at ininom ito. “So, anong problema na naman ang kinahaharap mo, Rosy? About ba sa mom mo or sigbin na iyon?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako at hindi umimik. “Kahit huwag mo na pala sagutin, Rosy. Mukhang dahil sa sigbin na iyon. Huwag mo na ngang pansinin ang isang iyon. Hayaan mo iyon at maging ang mom mong na—brainwash na ng sigbin na iyon.” Humigop ako ng aking vanilla coffee. “Masarap, ha? Not bad. Anyway, nagiging kumpleto na ang debut ko, Rosy! Ikaw pala ang 18th gifts and 18 candles ko, ha? Huwag mong kalimutan kaya ihanda mo na ang long and sweet messages mo, ha?” mahabang sabi ko sa kanya.
“Oo naman! Ikaw rin kaya ang magiging 18th gifts and 18th candles ko. Sa sasabihin kong messages, paniguradong iiyak ka. Teka, sino naman ang escort mo, ha?”
Hinigop ko muli ang vanilla coffee and kinagatan naman ang cheese bread. “Tinatanong pa ba iyon? Of course, si Ninong Xeron! Siya ang magiging escort ko, Rosy! Tanging siya lang. Kaya Iʼm so excited sa magiging debut ko this March 3. One month na lang naman!” sabi ko sa kanya. “Inaayos ko na nga ang lahat para sa debut ko, kaya nakausap na namin muli iyong coordinator, designed ng gowns ko and sa mga Chef sa food ko, nakapili na rin ako ng gusto ko at magkakaroon kami ng one day na pagtikim para roon kung pasok ba talaga sa panlasa ko. Kaya overall, okay na ang lahat!” dagdag na sabi ko sa kanya.
“Wow! Thatʼs good to hear, Cheska. Pero, pumayag na ba ang Ninong mo na siya ang escort mo?” tanong niya sa akin.
Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ang tanong niya. “Um, hindi pa. Hindi ko pa siya muli nakikita. Kaya hindi ko pa nasasabi sa kanya na siya ang kukunin kong escort.”
“Dapat ipaalam mo na sa kanya, Cheska. Habang mahaba—haba pa ang oras mo. Baka kasi may gagawin siya that time at mapurnada ang pagiging escort niya sa iyo.
Napaisip ako sa kanyang sinabi.
No way! Kailangan kong ipaalam kay Ninong Xeron na siya ang magiging escort and last dance ko sa aking debut.
Dapat malaman niya!