CHAPTER 14.2

1705 Words
FRANCHESKA POV “WHATʼS your name and your license ID!” Nakita ko kung paano namilog ang kanyang mga mata nang may narinig kaming baritonong boses. Napalingon ako at doon ko nakita sina kuya Harry, Queen and Dr. Javier — uncle namin sa malayo, magpinsan sina grandpa and grandpa niya. Nakita ko ang pamumutla ng dalawang nurse na kumausap sa akin. “Dr. Javier!” malakas nilang sabi. “Whatʼs your name and your license ID?” ulit niyang tanong sa amin. “Uncle Javier, m—my mom... N—nakahiga pa rin siya sa bed without anyone to check her. Tinignan lang nila kung humihingi pa si mom sabi nila ate Pola and after that ay wala na silang ginawa. Ilang beses din sinabi nila ate Pola na Lazaro siya and daughter siya nina grandpa and grandma pero hindi siya naniwala. Pinagtawanan pa nila ang mom ko!” malakas kong sabi at pinaawa ang aking boses. Nakita ko kung paano lumaki ang mga mata nila at hindi pa iyon dahil namumutla na rin sila. “H—hindi namin alam na a—anak siya ni Director Lazaro, Dr. Javier—” “Really? Paano niyo malalaman kung inuuna ninyo ang kutya? Ano nga ang sinabi ninyo kanina. Oh, ganito iyon, oh? Maghintay kayo dʼyan. Libre na nga ang pagpapagamot ninyo rito, gusto ninyo pang agarang check—up, ha? Then, I asked kung anong name ninyo and sinagot ninyo kong dalawa... Name ko? I—re—report? Who cares? As long as malaki ang sweldo ninyo. Am I right?” galit na sabi ko sa kanila. “I—Iʼm sorry... Hindi namin—” “Enough! Harry, ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo sa kanila. Ikaw naman ang magmamay—ari nitong hospital. If ako ang tatanungin mo... Papalisin ko agad silang lahat.” Nakita ko kung paano naningkit ang mga mata ni Dr. Javier. “D—Doctor Javier—” Hindi sila pinakinggan ni uncle Javier at mabilis na pinuntahan si mommy. “Francheska, sumama ka na kay uncle. Samahan mo na rin siya sa Queen. Ako na bahala sa kanila.” sabi ni kuya Harry sa amin. “Devil kasi kayo! Alam ninyo ang Lazaro ay mababait pero dahil sa ginawa ninyo, ba—bye!” Pang—aasar na sabi ni Queen at hinawakan niya ang kamay ko. “Theyʼre b***h! Mabuti na lang wala si Alice at hindi pumupunta iyon sa hospital kung ʼdi nasabunutan na sila!” Hindi na kami nakalapit kay mom nang biglang nakita kong tinutulak na nina kuya Wakim and kuya Jeffrey ang kama ni mom at si uncle Javier ay nakahawak din sa may bandang paanan ng kama. “Francheska, call uncle Miguel! Malala ang lagay ni Frances!” malakas na sabi ni uncle Javier kaya natakot ako. Hindi ko na sila nakita kaya napatingin ako kay Queen. “W—wala akong phone...” Nasa bag ko ang phone ko. “W—wait, ako na ang tatawag—” Hindi naituloy ni Queen ang sasabihin niya nang may magsalita. “Miss Francheska, d—dala po namin ang phone ni Maʼam Frances.” Nagulat ako na nasa tabi ko pala si ate Pola. “Heto po gamit ko sa pagtawag sa inyo. Sa emergency call lang po ako tumawag. Hindi ko mabuksan, hindi ko po alam password ni Maʼam Frances.” Kinuha ko ang phone mom at binuksan ko iyon. Una kong tinawagan si grandpa ang sagutin iyon ay nagsalita agad ako. “G—Grandpa, s—si mommy—” “We are on the way, Francheska. Donʼt be sad. Papunta na kami ng grandma. Stay with your mom, okay? Kasama mo naman sina Harry and Queen. Papunta na kami ngayon,” sabi ni grandpa sa akin. Tumango ako sa kanya. “O—okay po. H—hindi ko rin po matawagan sina dad and kuya Harold.” “Pinapatawag ko na sila kay Cole.” Tumango muli ako kahit hindi niya ako nakikita. “O—okay po.” mahinang sabi ko at binaba ang tawag. “Francheska, come on! Puntahan na natin si tita Frances. Palalayasin ko lahat ng nurse staff sa Emergency Room. f**k them! Donʼt worry kina tito Henry and Harold, tinatawagan na sila ng ibang pinsan natin.” Hinawakan ni kuya Harry ang kamay ko habang papunta kay mommy. Nandito na kami sa tapat ng room kung saan si mommy nasa operating room ko siya ngayon. Hindi ko alam kung bakit nandoon siya at kung bakit nasabi ni Dr. Javier na masama ang lagay ni mommy. “A—ano na ang nangyayari sa loob, Queen? Kinakabahan ako.” Nauutal kong sabi habang nakahawak sa kanyang kanang braso. “Hey, donʼt be nervous. Pati tuloy ako ay kinakabahan sa iyo. Wala naman siguro masamang nangyari kay tita Frances, okay?” sabi ni Queen sa akin. “Cheska!” Napataas ang tingin ko nang marinig ang boses ni Rosy. Nakita ko ang mukha niyang nag—aalala. “H—heto na ang bag and phone mo. N—nakasabay rin namin ang grandpa and grandma mo sa parking lot. N—nalaman naming nandito ka dahil sa pinsan mong si kuya Harry. Anong status ni tita Frances?” pagtatanong niya sa akin. Umiling ako sa kanya. “H—hindi pa namin alam... H—hindi pa lumalabas si uncle Javier mula sa loob,” mahinang sagot ko. “Ganoʼn ba? Kanina pa ako nagdarasal na sana okay lang siya.” “Francheska, apo?” Sa pangalawang boses ay nakita ko si grandma at maging ang ibang pinsan namin, wala si Alice, takot ang isang iyon sa Hospital dahil namatay rito ang mom and Loloʼt Lola niya sa side ng kanyang mom. Tumayo ako at niyakap siya. “G—grandma... Si mommy... Hindi pa siya lumalabas mula roon,” sabi ko sa kanya. Niyakap niya akong mahigpit at naupo kami. “Sshh... Magiging okay rin si Frances, apo. Manalig lang tayo sa kanya... Sa maykapal,” mahinang sabi niya sa akin. Napalunok ako sa kanyang sinabi dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Basta hawak lang ni grandma ang kamay ko hanggang bumukas muli ang pinto. “U—uncle Javier...” tawag ko sa kanyang pangalan nang makitang lumabas siya kasama si mommy na nakahiga pa rin sa stretcher bed. “A—ano pong mayroʼn kay mommy?” Tumayo na ako at tinignan niya ako na puno ng pag—aalala. “Kailangang i—test ni Frances sa lahat, sa MRI, CT Scan at iba pang test lalo na sa blood niya, madam Carmella. Hindi ko pa masabi sa inyo ang tungkol sa kalagayan niya. Kaya excuse me. Maghintay ka na lang muna sa private room ng mom mo, Francheska.” sabi ni uncle Javier sa amin. Tumango ako sa kanya at hinayaan siya kay mommy. “See, apo, walang magiging problema kay Frances. Hindi ko hahayaang mawala ang anak ko sa akin,” sabi ni grandma sa akin kaya tumango ako sa kanya. Nandito na kami sa loob ng private room ni mom nang dumating si kuya Harold, nakita ko ang mukha niyang namumutla. “W—whereʼs mom?” bungad niyang tanong sa amin. “Tine—test pa siya ni uncle Javier, kuya Harold. S—si dad? N—nasaan? Bakit hindi mo kasama?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang napabuga. “May dadaanan muna siya bago pumunta rito—” “May dadaanan? Anong klaseng tao ang Henry na iyan!” Nagulat kami nang marinig ang baritonong boses ni grandpa, katabi niya si kuya Harry. Kita sa mukha ni grandpa ang galit siya. “Grandpa, tungkol sa business naman ang kinakabalahan niya—” “Business? Mas importante pa ang business na niyan kaysa sa asawa niyang sinugod sa hospital? Ni—hindi nga kayo ma—contact na dalawa! Uunahin ninyo pa iyan kaysa sa kalagayan ni Frances!” malakas at baritonong sabi ni grandpa kay kuya Harold. “Mahal, ang puso mo.” Bigla tumabi si grandma kay grandpa at inalalayan niya ito. “S—sorry, Grandpa.” Yumuko na lang si kuya Harold kay grandpa. “Tawagan mo ang dad mo ngayon din. Kapag hindi siya dumating, puputulin ko ang ugnayan sa mga Quezon, Harold!” madiin na sabi ni grandpa sa kanya. Tumango si kuya Harold sa kanya. Nakita kong kinuha niya ang kanyang phone at lalabas na sana nang bumukas ang pinto. Nakita namin si mom at dalawang nurse pero si uncle Javier ay hindi namin nakita. “M—mommy...” nauutal kong tawag sa kanya. Pinalipat siya sa kanyang bed, mahimbing siyang natutulog ngayon. “How is she?” Grandpa asked the one of Nurse na umagabay kay mom. “Director Lazaro, pupunta po si Dr. Lazaro mamaya to report about her health. For now, kailangan lang pong magpahinga ni Mrs. Quezon.” mahinahon na sabi ng nurse kay grandpa. Lumabas na rin ang dalawang nurse kaya naiwan na kami rito. “Harry, pauwiin mo na ang mga pinsan mo. Kami na bahala kay Frances, maging ikaw Francheska—” Umiling ako kay grandpa. “I want to stay here, Grandpa. Gusto kong bantayan si mom ngayon. Please, can I stay here?” sabi ko sa kanya. Hindi ko alam pero kung uuwi ako ngayon... Hindi rin magiging mapayapa ang isipan ko knowing na hindi ko alam kung anong nangyari talaga sa kanya. Nakita ko ang alinlangan sa kanyang mukha. “Miguel, hayaan mo na. Kayo na bahala kay Frances at uuwi ako sa kanila para kumuha ng kanilang damit. Wala na rin namang klase sila.” mahinahon na sabi ni grandma. “Okay, Francheska. Stay here with your mom. Harold, call your dad!” madiin na sabi ni Grandpa. Naupo ako sa gilid ng bed ni mom at hinawakan ang kanyang kamay. “Mom, Iʼm always here for you. Always.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD