FRANCHESKA POV
NANG matapos magdilig si mom sa kanyang greenhouse ay lumabas na rin kami roon. Sabay kaming lumabas sa greenhouse niya, sinarado niya iyon at muling lumakad pabalik sa bahay pero napahinto kami nang may napansin akong isang sasakyan, hindi amin iyon.
Kinalabit ko si mom para mapahinto siya sa paglalakad. “Mom, kaninong car iyon? Hindi naman atin iyon, right?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa black car na sobrang tinted ang windows.
Naningkit ang kanyang mga mata at biglang lumaki ang mga iyon. “Oh, we have a guest, Cheska. Nandito na ang hinihintay kong guest kanina pa,” sabi niya sa akin habang malaki ang ngiti sa kanyang labi.
Nagsalubong ang aking magkabilang kilay. “Mom, sinong guest ang kanina mo pa hinihintay? At, kaninong car niyan?” sunod—sunod na tanong ko sa kanya.
Hindi ko kilala ang car na iyan.
Ngayon ko lang din kasi nakita, bago talaga sa paningin ko.
“Malalaman mo na rin kapag nasa loob na tayo, Cheska. Come on, iha!” Hinawakan ni mom ang aking kaliwang braso at sabay kaming lumakad papasok sa loob ng house namin.
Hindi ko alam pero kumakabog nang malakas ang aking dibdib. Grabe ang kabog nito na parang lalabas na sa aking katawan.
Bakit ganito ako?
Donʼt tell me nandito si Ninong Xeron ang nandito dahil kinakabahan ako?
Nang makapasok kami sa loob ay narinig ko ang boses ni mom. “Xeron, iho, finally you are here. Kanina ka pa ba rito?” tanong ni mom sa bisita naming nakatayo na ngayon sa harap ng sofa namin.
“Kadarating ko lang, Mrs. Quezon.”
Napatingin ako roon at nakita ko si Ninong Xeron na nasa harapan ko. “Oh my gosh, ang gwapo.” Nakatitig ako sa kanya habang ang suot niya ay naka—casual shorts and leather jacket na black.
Ang gwapo niya talaga!
“Cheska?”
Nawala ang tingin ko kay Ninong Xeron at napatingin ako kay mom. “P—po?” nauutal kong tanong sa kanya.
“Asikasuhin mo ang bisita natin, Cheska. Kukuha lang ako ng food para sa meryenda niya,” sabi ni mom sa akin. “Ask him na rin about sa escort, Cheska.” bulong ni mom sa akin at ningitian niya ako.
Napalunok ako sa kanyang sinabi at tinignan si mom, ngumiting tumango lang siya sa akin.
See, si mom todo support din talaga siya sa akin.
Umalis na siya at lumakad papunta sa kitchen, mukhang kukunin niya iyong cookies. Kaya pala nag—bake siya ng chocolate cookies.
Napalingon ako kay Ninong Xeron, lumingon ako sa paligid at nang makitang walang tao sa paligid namin, lumakad palapit sa kanya. “Hello, Ninong Xeron! Kumusta po kayo? Nare—receive ninyo ba ang messages ko sa inyo?” tanong ko sa at naupo sa tabi niya. “Sobrang sexy ko, right? Iyong huling sinend kong photo dahil sa iyo ʼyon... Ikaw ang iniisip ko.” dagdag ko pang sabi sa kanya.
Nakita ko ang pag—ayos niya sa kanyang leather jacket. Mukhang nagiging effective ang sinasabi ko sa kanya.
“Nahihiya ka ba sa akin, Ninong Xeron? Donʼt be shy, okay?” Hinipan ko ang kanyang kanang tenga kaya tinakpan niya iyon.
“Fran, Iʼm your godfather—”
“I donʼt care, Ninong Xeron! Basta ako, gusto kita. As a Lazaro... Walang makapipigil sa akin.” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko kaya pakiramdam ko ay kinilig siya.
“Anyway, Ninong Xeron, ikaw ang escort ko sa debut ko, ha? Donʼt forget about that, okay?” sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagtingin niya sa akin. “March 3 ang birthday ko, ha? Kaya i—free mo ang date na iyon. Naka—book na iyon for me, Ninong Xeron!” dagdag na sabi ko sa kanya.
“Debut? Me as your escort?” Tumango ako sa kaya, mabuti na lang ay nagsalita na rin siya “Sure, tinatanggap kong maging escort mo sa debut mo, Fran.”
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang sinagot niya. “Really? Hindi na pʼwedeng mabali ang sinabi mo, ha? Ikaw na ang escort ko, wala ka ng kawala!” madiin na sabi ko sa kanya.
“Sure. Wala rin naman akong gagawin that day.”
Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki sa kanyang sinabi. “Sinasabi ko na nga baʼt may gusto ka rin sa akin, Ninong Xeron! Donʼt worry sa iyo lang naman ako.” Gina law ko ang kanyang buhok na siyang pag—alis niya sa aking kamay.
Napasimangot tuloy ako sa kanya. “Hmmp! Sobrang hard to get mo talaga, uncle Nickel! But, ano naman pake ko? Panigurado namang mahuhulog ka rin naman sa akin... Sa ganda kong ito and sexy sinong hindi mahuhulog sa akin? Donʼt worry paiinitin pa rin kita sa chat, ha?” bulong ko pa rin sa kanya at pinaramdam ang aking malaking s**o sa kanyang braso.
Nakita ko na naman umalon ang kanyang lalamunan.
“We have a huge difference age, Fran.”
Pinagsiklop ko ang aking magkabilang kamay sa tapat ng dibdib ko. “Age is just a number, Ninong Xeron. 12 years difference is not that worst, okay? Kaya sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka rin naman, Ninong Xeron. Hindi kita tatantanan at lulubayan, okay?” Nakangiting sabi ko pa rin sa kanya.
Napaayos ako ng pagkakaupo nang makita ko si mom na pabalik na sa amin.
“Tandaan mo ang sinabi ko, ha? Makukuha rin kita,” dagdag na sabi ko pa sa kanya.
“Nakapag—usap na ba kayo, Cheska?” tanong ni mom sa akin. “Pola, pakilagay na lang ang juice dʼyan. Thanks.”
“Pumayag na si Ninong Xeron na maging escort ko sa aking debut! Right, Ninong Xeron?” Tinignan ko siya habang ang mga mata ko ay kumikinang—kinang ngayon.
“It is, Mrs. Quezon. Pumapayag akong maging escort niya sa kanyang debut. Wala rin naman akong gagawin sa araw na iyon.”
Walang gagawin? Talagang nilaan na niya iyon for me.
Pakipot pang itong si Ninong Xeron, pero dama ko namang gustong—gusto niya rin ako.
Nag—usap lang sina mom and Ninong Xeron, may binigay ring box kay mom na galing kay tita Josefina, close friends silang dalawa. Nang matapos silang mag—usap ay umalis na rin si Ninong Xeron, hinatid ko siya palabas sa house namin.
“Bye, Ninong Xeron! Ingat kayo sa byahe, ha? Magse—send muli ako sa iyo later!” Nakangiting sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang kanyang pag—iling pero alam ko namang kinikilig siya. Sasabihin ko kay Rosy ang tungkol dito bukas. Paniguradong kikiligin din ang isang iyon
Secured na si Ninong Xeron for me. Hindi ka siya available.
Sorry!
~~°°~~
Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki nang marinig ang sinabi ni Ninong Xeron sa akin.
“Sure, tinatanggap kong maging escort mo sa debut mo, Fran.”
“Ahhh!” Hindi ko napigilang mapatili nang maalala ang senaryo namin kagabi.
“Miss Francheska, may nangyari po ba sa inyo sa likod?”
Napaayos ako ng pagkakaupo nang marinig ang sinabi ni kuya Jeffrey. “Um, wala po. Nothing. Ayos lang po ako. Sorry po, kuya Jeff. May naalala lang ako,” sabi ko sa kanya.
Nakakahiya.
Naalala kong nandito pa pala ako sa car at papunta na ako ngayon sa campus. Hindi ko tuloy mapigilan kiligin. Iniisip ko na kasi ang sasabihin ko kay Rosy once na mag—kwentuhan na kaming dalawa.
Huminto na rin ang kotse, bumaba na ako at nagpàálam kay kuya Jeffrey. Lumakad ako sa malawak at malaking quadrangle ng campus nang may marinig akong boses. Hindi ko napigilang mangunot ang aking noo.
“Ang ganda ng debut ko, right? Sa Adlerʼs Hotel lang naman ang debut ko!”
Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa tapat nang malaking puno sa may quadrangle, si Analyn Domez — isa sa mga feeling maganda sa campus.
Kaya nevermind sa kanya.
“Nagkahahalaga iyon ng 2M pesos! Debut ko pa lang iyon, ha?”
Debut niya for 2M pesos?
“How cheap,” mahinang sabi ko at naglakad muli dahil wala akong pake sa kanyang sinasabi.
“Cheap? Sinong nagsabing cheap ang debut ko? Hindi ninyo ba alam kung gaano kamahal ang 2M!”
Napatakip ako ng aking bibig nang marinig pala niya ang sinabi ko.
“Hey, ikaw na babae ka, sino ka? Kaya mo ba ang 2M na iyon, ha? Sa Adlerʼs Hotel pa ginanap ang debut ko!”
Napahinto ako sa paglalakad nang may humawak sa aking balikat.
“Sabi kong humarap ka sa akin—”
“What?” Napatigil siya sa pagsasalita nang makita niya ako. “May problema ba sa sinabi ko? Cheap naman talaga ng 2M pesos na ginastos mo sa debut mo. And, Adlerʼs Hotel ang venue, mura lang naman doon lalo na kung hindi ang private room ang kinuha ninyo. Kaya huwag mong ipagyabang. First time mo ba?” Nakangising sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang takot at inis sa mukha. “F—Francheska...” Nauutal niyang tawag sa pangalan.
“Yes, I am? Kaya alisin mo ang kamay mo sa akin, ha?” Mabilis niyang inalis iyon. “Sa susunod na ipagsasabi mo ang tungkol sa debut mo dapat worth it, ha? Lalo naʼt marami rin ang mayayaman dito, Analyn.” Tinignan ko siya sa kanyang paa hanggang sa ulo niya at umalis na rin ako.
“Deserve. Ang yabang kasi niya!”
“2M, sobrang cheap nga nuʼn. Feeling mayaman.”
Narinig ko ang bulungan ng mga kapwa kong estudyante. She deserves it.
Yabang pa more.