ROSY POV “YES, Harold. Then, may bad news pa akong ibabalita... Hindi ko gustong sabihin sa inyo ito but may tatlong buwan na lang si Frances if babasehan ang sitwasyon niya ngayon.” Parang may bomba na sumabog sa aking puso nang marinig ang sinabi ni uncle Javier. “T—three months?” nauutal kong sabi kaya napaupo ako at binitawan ko ang aking pagkain. “Wala na bang magagawa, Javier?” tanong ni Grandpa at kita ko sa mukha niya ang pagtitimpi sa pag—iyak. Umiling si uncle Javier sa kanya. “Wala na tayong magagawa, uncle Miguel. Kumalat na ang cancer sa buong katawan niya. Paniguradong alam na ni Frances na hindi na siya tatagal.” “Anong pʼwedeng gawin natin, Dr. Lazaro? Hindi pʼwedeng wala tayong gawin? We need to do something!” malakas na tanong ni dad sa pagkakataon na iyon ay nakit

