FRANCHESKA POV
“APO, mauuna na kami, ha? Happiest birthday again. For sure proud na proud din ang grandma mo sa iyo.” Nakita ko ang malaking ngiti ni grandpa sa akin.
“I know, Grandpa. Thanks for your time! Ingat po kayo sa pag—uwi, ha?” Hinalikan ko muli siya sa kanyang pisngi.
Hindi nakarating si grandma dahil may may fever siya ngayon, sayang nga!
“Of course, we are. Magpahinga ka na rin, apo.” sabi pa niya sa akin.
Tumango ako sa kanya at nagpàálam na rin kami. Sunod naman na pinuntahan ko ay ang parents ni Ninong Xeron. Todo ang ngiti ko habang nakatingin kina tita Josefina and tito Zephyr, parents nila.
“Hello po, tita Josefina and tito Zephyr. Thanks for sa time ninyo.” Nakangiting sabi ko sa kanila.
“Wala iyon, iha. Matalik na magkaibigan kami ng mom mo and maging ang Lazaro and Ford din. Kaya dapat lang na nandito kami. Happy 18th birthday pala, Francheska. Nandoon na ang gift namin for you.” malimanau na sabi ni tita Josefina sa akin.
“Thanks po, tita Josefina. Bubuksan ko po ang lahat gifts mamaya. Paniguradong magugustuhan mo ang mga iyon... And, nasa legal age na po ako... Pʼwede na po akong maging daughter in law ninyo—”
“Cheska!” Narinig ko ang boses ni dad.
“Nagsasabi lang ako ng totoo, dad.” sabi ko sa kanya.
“Gusto ko rin naman maging daughter in law si Francheska.”
Kuminang ang aking mga mata at lumaki ang tenga ko nang marinig ang sinabi ni tita Josefina. “See, dad? I told you magiging Mrs. Ford ako!” Kinikilig na sabi ko sa kanya.
Napailing na lang si dad sa akin. Tinignan ko si Ninong Xeron at nakita ko ang mukha niyang walang emosyon. Walang emotion? Baka kinikilig lang niyan, ayaw niya lang sabihin at ipakita sa akin.
Pakipot pa talaga siya.
Basta ang alam ko lang ay boto na sa akin ang parents niya.
Nang makapagpa—picture sa kanila ay umalis na rin ako at pinuntahan si Rosy. “Happy birthday, best friend!” Niyakap niya akong mahigpit. “Ang dami kong photos and videos na kinuha. Ibibigay ko ang lahat ng iyon sa iyo,” sabi niya sa akin.
“Thanks, Rosy! Narinig mo ba ang sinabi ng parents ni Ninong Xeron sa akin? Gusto nila akong gawing daughter in law. This year ay aakitin ko na talaga siya!”
Hinila niya ang buhok ko. “Gaga ka talaga, Cheska. Pagod ka na ba? Umakyat na tayo sa hotel room mo para makapagpahinga ka na,” sabi niya sa akin.
Tumango ako sa kanyang sinabi. “Magpaalam lang ako kay mom then umakyat na tayo,” sabi ko sa kanya at bumalik ako sa kanilang pʼwesto.
Nang makapagpaalam ako ay umakyat na rin ako sa aking hotel room. Kaming dalawa lang ni Rosy dito, pinuntahan ko rin ang parents niya pero hindi ko close ang mom niya, medyo lang.
Tinulungan na rin ako ni Rosy na tanggalin ang aking suot na heels kasi hindi ko kaya dahil sa petticoat na mayroʼn ang gown ko. Next na tinanggal ay ang suot kong gown, naka—sando and cycling shorts na lang ako kaya diretso ako sa bathroom para makapaghilamos na.
Sobrang pagod na ang aking skin.
Nang matapos akong maghilamos ay lumabas na rin ako, nakita ko ang mga regalo.
“Dinala na rito ng mga staff iyon daw sabi ni tita Frances.”
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi.
Nakaupo na ako sa bed ko rito sa Lazaro hotel. Dito na kami matutulog muna dahil sobrang pagod na rin kaming lahat.
“Ang dami pala ng mga gifts?” manghang sabi ko habang nakatingin sa paligid.
“Oo naman, Cheska. Marami kayang nagmamahal sa iyo. Teka, iyong iba raw pala na malalaki ay iuuwi sa inyo, doon mo na lang buksan. Iyon ang sabi rin ng staff na nag—akyat ng mga iyan,” dagdag na sabi ni Rosy.
“Sobrang dami pa rin. Tulungan mo na lang ako buksan ang mga ito, Rosy!” sabi ko sa kanya dahil inaantok na ako.
I need to rest para maging maganda pa rin ako. Kailangan maging pretty ako always lalo naʼt approved na ang parents ni Ninong Xeron sa akin.
Siya na lang ang kailangan kong kunin.
After that ay perfect na ang lahat ng sa akin.
~~°°~~
Dalawang araw nang matapos ang aking debut. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa legal age na talaga ako.
“Good morning, mom!” malakas kong sabi nang makita siyang nasa dining hall. Napansin kong nandito pa rin pala sina dad and kuya Harold. “Good morning too, dad and kuya Harold.”
“Ang lapad ng ngiti, ha? Mukhang gagamitin mo na ang new car mo, right?” Nakangising tanong ni kuya Harold sa akin.
Naupo ako sa tabi ni mom. “Of course! Para saan pa kaya ang pagpapalagay ko ng tint sa windows ng car ko kung hindi ko gagamitin, right?” sagot ko sa kanya. “Alam mo, kuya Harold, inggit ka lang dahil new ang car ko... Sa iyo kasi, ilang taon na ba niyan? Five years na ba?” pang—aasar na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang inis sa mukha niya.
Deserve. Akala niya ay magpapatalo ako pagdating sa asaran?
Hello, sakit kaya sa ulo ang iba pa naming mga pinsan.
“Tumigil kayong dalawa, Harold and Francheska. Nasa harapan tayo ng pagkain, manahimik kayo,” saway ni dad sa amin kaya nanahimik kami ni kuya Harold.
“Sorry, dad.” sabay naming sabi. Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang na tahimik.
Nang matapos kumain sina dad and kuya Harold ay nauna na rin silang umalis. Nakita kong nakangiti si mom habang nakatingin sa likod ni dad. Damang—dama ko ang pagiging in love niya kay dad.
I sigh.
Gusto ko rin maging masaya na habang kasama ko ang lalaking mahal ko at si Ninong Xeron iyon.
Natapos na rin akong kumain kaya tumayo na ako, pero napatingin ako kay mom. “Mom, are you okay?” nag—aalala kong tanong sa kanya.
Nakita ko ang mukha niyang parang namumutla.
Tinignan niya ako. “Iʼm okay, Cheska. You should go, iwan mo na sa table ang pinagkainan mo. Ako na ang magliligpit,” sabi ni mom sa akin.
Nakatingin pa rin ako sa kanya. “S—sure po ba kayo, mommy? Namumutla po kasi kayo, kailangan ninyo sigurong matulog at magpahinga.” Hindi mawala ang kabog sa aking dibdib, sobrang lakas.
“Magpapahinga rin ako mamaya, Cheska. Pumasok ka na sa campus at baka ma—late ka pa.”
Wala na akong nagawa kung ʼdi tumango sa kanya. Humalik ako sa kanyang pisngi at lumakad na rin palabas ng bahay.
Sana okay lang si mom, ano?
“Huy, Francheska! Bakit naglalakad kang tulala, ha? Nakita ko ang car mo, ha? Astig!” malakas na sabi ni kuya Chase na mukhang hinabol ako dahil hinihingal siya, lumingon ako sa likod at nakita ko si kuya Louie na parang model na naglalakad ngayon.
“Thanks! Pinaayos ko iyon and hindi ko na rin kailangan si kuya Jeffrey, what I mean, I need him pa kapag ayaw akong mag—drive. Kaya hindi ko siya ibabalik sa Lazaro!” sabi ko sa kanya.
Naka—mata kasi ang mga ito kay kuya Jeffrey. Paano naman kasi ay sobrang bait, magaling mag—drive and marunong lumaban si kuya Jeffrey. Kaya target locked nila ang aking personal driver.
Manigas sila.
Napailing na lang siya sa akin. Nakita ko si Analyn kaya nakaisip ako nang magandang gawin ngayon.
“Kuya Chase, sobrang ganda ng debut ko, right? I heard na gumastos sina mom and dad ng worth 3M for my gowns! Two gown pa lang iyon. Wala pa iyong food, decorations, at iba pang kailangan sa debut ko except the venue kasi free lang naman for Lazaro. So, nakita ko sa papel ni mom... Nasa almost 10M ang aking debut. Amazing, right? Hindi lang iyon dahil pumaldo rin naman ako sa gifts na binigay ng mga relatives namin and especially, the car na tumataginting 6M!” malakas na sabi ko.
Nilakasan ko talaga para marinig ng Analyn na iyon. Iyong car naman kasi ay sinearch ko iyon, nasa almost 5.8M kaya sinarado 6M ko na.
Nakita ko ang paglingon niya sa akin at Kota sa mukha niya ang gigil doon.
Hindi siya makapalag sa sinabi ko dahil kasama ko sina kuya Chase and kuya Louie.
“May pinaparinggan ka ba, ha?” mahinang tanong ni kuya Chase sa akin.
Tinignan ko siya at naningkit ang mga mata ko. “Of course... Iyong babae sa left side natin, iyong naka—ponytail na pang—stewardess. Siya lang naman iyong nagmamayabang ng debut niya last month?”
Nakita kong bumilog ang kanyang bibig. “Oh, siya rin pala ang tinutukoy ni Queen? Sheʼs cheep. Kaya donʼt worry about her, Francheska. Sa ating magpipinsan ay kayo lang ang maganda sa amin, okay? Wala ng iba pa... Lalo na ang mga mukhang clown!” madiin at malakas na sabi ni kuya Chase.
“Chase is right, Francheska. Nagustuhan mo ba ang regalo namin?”
Speak of the gift.
“Thanks! Nagustuhan ko ang regalo ninyo. Next time ay iyong mas mahal pa, ha?” sabi ko sa kanila. Ang binigay nila sa akin ay necklace from kuya Louie and branded bag naman from kuya Chase.
“Sure! Kapag nag—birthday ka muli!” Nakarinig ako nang malakas niyang pagtawa.
Nakita ko ang tingin ng ibang estudyante sa amin. Nakakahiya na, kailangan ko ng umalis at hetong si kuya Louie ay lumalandi na.
Grabe talaga ang kamandag nila.