FRANCHESKA POV
NANG matapos ang 18th candles and tumuloy kami sa 18th Treasures, dito ay kasama na si Rosy. Lahat ng hawak nila mga gift na gustong ibigay nila sa akin, magme—message rin sila.
Ang dami ko ng natatanggap mula sa kanila at maging messages nilang nakakaiyak. Kaya panay ang punas ko sa aking pisngi, dampi—dampi lang at baka masira ang makeup ko.
“Hey, Cheska! This gift is a blue notebook... Para alam mo how to budget your money.” Napangiwi ako sa sinabi ni Alice.
Really? Marunong kaya akong mag—budget, hello?
Kinuha ko pa rin iyon dahil cute ang design niya, bear.
“Thanks, Alice! Bibigyan din kita ng blue notebook para mag—budget ka rin!” balik na sabi ko sa kanya pero kinibit—balikat lang niya ako.
“Hello, Francheska! Itʼs my turn! Muntik na akong magtampo dahil wala ako sa 18th candles! Hindi ba ako mukhang may wisdom thought? Anyway, happiest 18th birthday, Francheska! Isa ka ng ganap na dalaga kahit wala pa si uncle Henry rito!”
Gaga talaga itong si Queen. Hindi na nga napansin na wala pa si dad, sinabi pa niya talaga. Napatingin tuloy ako kay grandpa nang makitang lumilibot ang mga mata niya. Kapag talaga hindi binigay ni grandpa ang key ng car sa 18th blue things, kukunin ko ang sasakyan sa debut niya. Malapit na rin naman, sa May 1!
“Mahal na mahal ka namin, alam mo iyan! Kahit nilalayo mo ang sarili mo sa amin. Hereʼs my gift pala. Customized ang lahat ng iyan, okay? May names pa! Happiest 18th birthday!” malakas na sabi ni Queen sa akin, mabuti na lang tapos na siya.
Ngumiti ako sa kanya nang malaki. “Thanks, Queen! Pero, dapat hindi mo na sinabi ang tungkol kay dad, okay?” mahinang sabi ko sa kanya.
“Sorry!” Nakangiting sabi pa niya.
Ang bubbly talaga ng pinsan kong ito. Parang walang problema palagi.
Ang last na magbibigay sa akin ay si Rosy. Nagulat ako sa kanyang dala. Isang box na kulay blue. “Happiest birthday, Cheska! Nasa legal age ka na!” Nakangiting sabi niya sa akin at binigay ang gift.
“Ano ito?” mahinang tanong ko sa kanya.
Tinignan niya lang ako at ningitian. “Cheska, thank you for the friendship na na—build natin simula noong nagkakilala tayo. Kaya ngayong nasa legal age ka na, kay tagal mong hinintay ito... Be happy and chase what you want. Alam mong nandito lang ako for you, right? One call away lang ako always. You are my best friend! Kaya hangad ko ang kasiyahan mo always. Happy birthday!” nakangiting sabi ni Rosy sa akin na halos maiyak ako.
Napasinghot ako sa kanyang sinabi. “Nagpapaiyak ka naman... But, thanks kung ano man ang loob nito ite—treasure ko,” nakangiting sabi ko sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit.
Nagkaroon ng thirty minutes break dahil magpapalit ako ng damit for my contilion then sunod doon ay 18th tulips and 18th blue things — puro elders na ang kasali dʼyan. Kaya papaldo ako.
Nang maisuot ko na ang pangalawang gown ko ay biglang bumukas ang pinto, nakita namin si dad na hinihingal.
“Henry, mabuti ay dumating ka na!” bulalas na sabi ni mom.
Tinignan ko lang siya at bumalik ang tingin ko sa full body mirror na nasa harapan ko. “Ang ganda ko!” malakas kong sabi at binalewala ang pagdating ni dad.
Akala mo naman napaka—importante niya.
Hello, half ng debut ko ay wala siya.
“Cheska, nandito na ang dad mo—”
“I know, mom. Tapos na akong magbihis, mag—uumpisa na ang last half ng debut ko. We should go na po,” nakangiting sabi ko kay mom.
Nakita ko ang mukha ni dad na dismayado. Dapat lang na ma—dismaya siya. Siya ang always na nag—re—remind sa amin na important ang bawat segundo pero siya ang late ngayon.
“Iʼm sorry, Cheska. Importante lang talaga iyong meeting na iyon.”
I rolled my eyes to him. Hindi na lang ako nagsalita. Lumabas na lang muli kami at nakita ko na naman si Ninong Xeron. Mabilis akong lumakad palapit sa kanya at gumawa sa kanyang braso.
“Ready ka na po ba?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang naguguluhan niyang tingin sa akin. “Hindi mo ba alam? 18th tulips na ang next pagbalik natin. Ikaw ang last dance ko,” bulong na sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa kanyang mukha pero agad ding bumalik sa dati. “Are you excited? Alam ko namang excited ka na. Kaya tara na!” Nagmadali na akong lumakad papunta roon para maumpisahan na ang 18th tulips ko.
“Our debutant, Miss Francheska Lazaro Quezon with her escort, Mr. Xeron Ford!” announce ng Emcee ko at muling bumukas ang pinto. Nasa amin na ang spotlight kaya ngumiti ako nang malaki habang mahigpit ang hawak kay Ninong Xeron ko.
Napatingin ako sa mga pinsan kong mga siraulo. Kung makangisi ay wagas.
Hindi ko rin sila masisisi dahil ako pa lang ang magkakaroon ng boyfriend sa aming magpi—pinsan.
Nakarating na muli kami sa stage at pinaupo ako roon ni Ninong Xeron. Sina mom and dad naman ay nasa table na rin kung nasaan sila grandpa and iba pang elders.
“Late ang dad mo?” mahinang tanong ni Ninong Xeron sa akin.
Tumango ako sa kanya. “Yes, business meeting daw. Inuna pa niya iyon bago ang anak niyang mag—de—debut today, really?” mahinang sagot ko sa kanya.
“Kaya pala wala siya kanina.”
“Before our 18th tulips and 18th blue things, bibigyan muna tayo ng ating debutant ng isang sayaw!”
Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi ng emcee. “Ninong Xeron, watch me. Tignan mo ko kung paano ako sumayaw, okay?” sabi ko sa kanya at tumayo ako sa kinauupuan ko.
Nasa ibaba na ako ng stage ko nang marinig ko ang sound ng aking sasayawin. Hot dance itong sinasayaw ko para talaga kay Ninong Xeron ito para lalo siyang mahulog sa akin. Tumalikod ako at tinignan si Ninong Xeron, pinalandas ko ang aking dila sa labi ko hanggang matapos ang aking sayaw, natapos iyon na nasa ibabaw ako ng backup dancer kong lalaki. Nakarinig ako nang palakpakan sa mga bisita ko kaya ngumiti ako sa kanila, hindi naman ako gaanong pinagpawisan.
Easy.
“Nagustuhan mo ba ang sayaw ko, uncle Nickel?” tanong ko sa kanya nang makabalik ako sa kanyang harapan.
“Yeah. You are so good.”
See? Na—i—in love na talaga siya sa akin.
“What a wonderful performance from our debutant, Ms. Francheska! Pero, hindi pa roon nagtatapos dahil mag—uumpisa pa lang ang ating party tonight. Uumpisahan na muli natin ito sa 18th tulips! Handa na ba ang kasali sa 18th tulips?” malakas na tanong ng emcee kaya nagsigawan silang lahat.
Tumayo na muli ako at si Ninong Xeron naman ay umalis na muli sa tabi ko, siya ang last dance ko.
“Napaka—ganda ng ating debutant parang hindi pinagpawisan kanina. Fresh pa rin talaga.” sabi ng emcee sa akin kaya ngumiti ako.
Nag—umpisa na ang sound for my 18th tulips. Unang umakyat ay ang pinsan kong si kuya Chase, may hikaw pa talaga siya sa ibabang labi.
Napailing ako sa kanya. “Happy legal age, Francheska. This is for you, okay? Maganda rin ang gift na binigay ko sa iyo. Ako kaya ang the best cousin sa ating lahat!” Nakangising sabi niya sa akin.
Napatango na lang ako sa kanyang sinabi at baka magkaroon pa ng saltik ang isang ito.
“Thanks! Kaya nga ikaw ang number one, kuya Chase!” sagot ko sa kanya.
Keme lang at baka talaga bawiin ang regalo niya.
“I know, Francheska.”
Ang lakas talaga niya, ano?
Nang matapos siya ay sumunod na rin ang Twin niyang si kuya Louie. “Hey, mas maganda ang gift ko kay Chase. You want a clue? Necklace,” bulong niya sa akin at sinayaw na niya ako.
Necklace ang gift niya sa akin? So, necklace rin ang kay kuya Chase.
Iisa lang ang isip ng dalawang iyan.
Twin nga, eh?