“Good morning, Ma’am Aiyanna!” bati sa kanya ni Chris nang mabungaran siya nito sa lobby ng kumpanya. Papunta sila ngayon sa site at dahil hindi makakasama si Clyde ngayong araw ay sasabay siya sa mga empleyado niya sa shuttle. Once they are complete, they hop in the van immediately para hindi sila tanghaliin ng dating sa site. Sa Nasugbu Batangas iyon ay may kalayuan sa Maynila. Halos tatlong oras ang itinagal ng biyahe nila bago nakarating sa mismong site, init ng araw ang sumalubong sa kanila kaya nagpasalamat siya at nakasuot siya ng longsleeves polo at jeans. Binati kaagad sila ng mga tauhan nila doon at lumapit sa kanila si Miko na siyang nauna sa site dahil may dala itong sariling sasakyan. He led the tour at the construction site at ipinakita sa kanya ang progress ng project.