Malakas ang tugtog na pumapailanlang sa buong suite nina Aiyanna. Mabuti na lang kamo at sound proof ang naturang kwarto dahil kung hindi ay sigurado siyang magrereklamo ang taong nasa umookupa ng katabing kwarto. Pasado alas otso na ng gabi at hype na hype ang mga kaibigan niya, ilang bote na rin ng beer ang nainom niya kaya nakikisayaw na rin siya sa mga ito. Si Coleen na sobrang cute ay may itinatago rin palang pagka-wild kapag nakakainom ng alcohol samantalang si Jasmine naman ay animo pasan ang mundo sa dami na rin ng naiinom na alak, kanina ay sa baso pa ito umiinom ngunit ngayon ay hawak na nito mismo ang bote ng Jack Daniel’s Whiskey at doon na mismo nilalaklak ang alak. Ang dalawa niyang kaibigan ay todo sayaw naman na parang nasa bar ganun din ang mga empleyada niya lalong lalo n