Prologue

278 Words
Nakatutok ang mga mata ni Clyde sa babaeng nagsasayaw sa gitna ng dance floor sa loob ng Club Deluxe. He was standing in front of the glass panel inside their private room in the club, it is overlooking the whole club so it was very easy for him to know what is happening. "Clyde." he was interrupted by that voice.  "Anong tinitingnan mo diyan?" anito sakanya. He just shrugged and slumped on the couch beside him, muli ay natutok ang kanyang mga mata sa babaeng nagsasayaw parin sa gitna. She's gorgeous and sexy. Damn hot, paniguradong maraming lalaki ang naghahabol dito. "Oh, wow. She's hot." napalingon siya sa katabing nakiki-usyoso sa kanya. "Ask her out, dude." anitong muli.  "Why should I? I'm just curious kung anong nangyayari sa loob ng club kaya ako nakasilip dito." aniya sa katabing naka-ngisi na ngayon. Jayden Velencoso, the notorious playboy. "Well, she caught your attention. And knowing you, wala yatang ibang nakakakuha ng atensyon mo kundi negosyo lang." anitong nakangisi parin.  Pinag-taasan niya ito ng kilay bago magsalita, "Business is my baby, that's why. Nasaan ba ang kapatid mo at ako ang binubulabog mo rito?" he asked Jayden before sipping his brandy. At bago pa makasagot ang katabi ay biglang bumukas ang pinto ng kwartong iyon. Iniluwa niyon ang lalaking kamukha ni Jayden. Ngunit hindi sila kambal, magkapatid sila pero magkamukhang-magkamukha ang dalawang iyon. Jayden is a year older that Kayden, ngunit palagi silang napapagkamalang magkakambal dahil nga sa parehas sila ng mukha. "Yo! My boys." ani Kayden na itinaas pa ang hawak na bote ng beer. He just took a sip from his glass and his eyes went to the lady on the dance floor once again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD