Chapter 02

643 Words
BINILISAN na ni Johairah ang paglabas sa huli niyang subject. Napahinto lang siya sa paglalakad ng mapatapat sa saradong pinto ng mabasa ang nakapaskil doon. "UHB Private Room?" Napakunot-noo siya. "Ano 'yon?" "Miss, bawal diyang tumambay." Nalingunan niya ang babaeng sa unang tingin, kung hindi ito iimik, ay mapagkakamalan niya itong isang Japanesse Doll. "Napadaan lang ako. Sige at aalis na ako." Bago pa siya makahakbang paalis ay siya namang bukas ng pinto ng UHB Private Room. Lumabas mula roon ang anim na lalaking nagguwa-gwapuhan. Tulala na sana ang beauty niya ng mapansin niya si Kienlee na isa sa mga iyon. Naroon din sina Daizuke at Jamil. "Nashnairah, nag-abala ka pang puntahan ako rito. You're so sweet," nakangiting sabi ni Jamil. Bago pa ito makalapit sa babaeng katabi niya ay tinabig na ito ni Daizuke. Pagkuwan ay hinawakan ang kamay ni Nashnairah. "Mauna na kaming umalis at may pupuntahan pa kami," ani Daizuke sa mga kaibigan nito. "Bye mga bros," nakangiti pang kumaway si Nashnairah bago nagpatianod kay Daizuke. "Tamo 'yong si Dark. Palagi na lang umi-eksena sa moment namin ni Nashnairah," naiiling na sabi ni Jamil. Aalis na rin sana siya ng mapansing nakatitig sa kanya si Kienlee. Sa katarantahan dahil nakatitig ito sa kanya kaya naman nairapan niya ito bago tinalikuran. Nagmamadaling naglakad siya palayo. "Whoa! I saw it. Inirapan ka Wayne noong babae," narinig pa niyang wika ni Jamil. "Anong ako? Lampasan nga ang tingin sa kaguwapuhan ko. She's looking at Lee's direction." Napakagat-labi siya ng marinig ang pangalan ni Kienlee. Hindi siya nagpakalingon-lingon sa pinanggalingan dahil nag-iinit lang ang kanyang mga pisngi. Saka lang siya tila nakahinga ng maluwag ng tuluyang makalabas sa building na iyon. "Ate Johairah!" Kinawayan pa siya ni Rhea Mie Roldan na kabababa lang ng kotse ng mga ito, ang pinsan niya na third year high school sa Mori High Academy. Karatig lang iyon ng MHU. "Tara na. Dumaan din muna tayo sa Monterey Mall dahil may kailangan akong bilhin." Nginitian niya ito. "Sige. Ahm, okay lang ba kina Tito Rey na gabihin tayo ng uwi?" "Okay lang 'yon." "Himala. May naligaw na pangit dito sa MHU." Ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata ng pinsan niya ng mapagsino ang nakasalubong nila. One of the most gorgeous guy in their campus, she thought. "Pinaparinggan mo ba ang sarili mo? Tss. Tara na nga Ate Johairah at baka mahawa pa tayo sa kapangitan ng isang 'yan." Umagapay siya sa pinsan niya ng hilahin na siya nito palapit sa sundo nila. "Sino naman 'yon? Daig niyo pa ang mga bata, Yamie." Naiikot nito ang mga mata nito. "Si Tadashi 'yon. First year college dito. As in, Tadashi Monterey, ang kapatid ni Wayne Monterey. Sila ang may ari ng Mall na pupuntahan natin. One of the biggest Mall in Asia." "Wayne?" Parang narinig na niya ang pangalang iyon. "Sino 'yon?" Binuksan na nito ang pinto sa back sit ng kotse. "One of the UHB men." Sumakay na rin siya. "UHB? Ano 'yon?" Naalala niya 'yung UHB Private Room. "Sila ang tinaguriang Ultimate Heart Breaker. Alam mo bang ubod ng guwapo ang lahat ng 'yon? Dinaig pa nila ang mga sikat na sikat na K-pop group kung pagkaguluhan dito." "Grupo ba 'yon nina Daizuke?" Nagningning ang mga mata nito. "OMG! Kilala mo na rin sila, Ate? Pamilya ni Daizuke ang may ari ng Valle Encantado Village. Bongga 'no?" Mukhang sikat na sikat nga ang mga iyon dahil maging ang pinsan niya ay hindi mapigilan ang kilig. "'Yung Kienlee, UHB men din?" Niyugyog na nito ang braso niya. "Yep. Si Kienlee ang nagbansag sa grupo nila noong elementary days pa lang nila." "Ah," sabi na lang niya bago tumingin sa labas ng bintana. Hindi nga talaga basta-basta ang mga lalaking iyon. Lalo na si Kienlee. Unang araw niya sa MHU pero may lalaking nagpagulo na agad sa sistema niya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD