Kabanata 1
BESTFRIEND
"Tignan mo yang best friend mong malande my bago na namang girlfriend."
"Correction Girl, bagong kalandian." Sagot ko naman kay Amanda at saka ako uminom sa Frappe na kakabigay palang samin nung Waiter.
"So lahat pala ng nakakasama niyang babae is kalandian lang pala niya?" Tanong sakin ni Amanda, pero yong tingin naman niya is nakay Ian at Trissha na naglalandian don sa my balcony ng Strabs. Sunod-sunod naman yong ginawa kung pagtango sa tanong niya.
At nung wala siyang nakuhang sagot sakin don palang niya ako nilingon. "Oo besh kaya kung ako sayo, huwag ka ng umasa." Nakangising sagot ko sa kanya at saka ako muling uminom ng Frappe ko.
"Lahat halos ng girls sa school nagkakagusto sa kanya kaya hindi ko maintindihan na ikaw mismo na best friend niya ay hindi nahuhulog sa kanya." Don naman ako natawa sa sinabi niya.
"Super funny joke Girl. Pano ako mahuhulog jan eh kita mo 'tong pinapagawa niya sakin ngayon, nasama kapa sa kalokohan niya. Ang gusto niya after niya makipaglandian jan sa babae niya eh magsasabay kaming umuwi. Nakakaturn off na nga yong part na hindi man lang niya mahatid si Ate Girl after nilang maglandian eh my sarili naman na siyang car."
"Eh ganun talaga kapag habulin ng chicks at pogi at mayaman at dream guy." Nangangarap na sabi ni Amanda.
"Ewan ko ba kahit na bestfriend ko si Ian at madaming beses ko ng nadinig yan sa kung sino-sinong babae na kinakaibigan ako para mapalapit sa kanya hindi ko pa din maiwasang hindi masuka kapag pinupuri niyo siya." Disappointed na sagot ko naman.
"Naku at ikaw kapag nainlove ka jan sa bestfriend mo at kinain mo yang mga sinabe mo ewan ko nalang. Tatawa ako ng walang bukas."
"Asa." Sagot ko naman sa kanya at saka ko muling binaling yong tingin ko kay Ian at Trissha. Ayun ang mokong hinalikan sa cheeks si Ate Girl na kilig na kilig na at kulang nalang maglumpasay sa floor. Ang rupok mo 'te! Ngayon ka lang kalandian niyan! Bukas iba na sa dami ba naman ng girl na my gusto sakanya!
Tumayo na si Trissha at Ian kaya inayus ko na din yong mga gamit ko na ipapabitbit din kay Ian. Papaturo na din ako sa kanya mamaya ng assignment ko sa Algebra.
"Bakit ganun yong mga babae mo, parang mga linta na naasinan kapag nakakasama ka?" Inosenteng tanong ko kay Ian after naming ihatid si Amanda sa bahay nila. Seryoso naman siyang nagdadrive ng bigla nalang siyang humalagapak ng tawa na nakapagpasimangot sakin.
"Anong nakakatawa don?" Masungit kung tanong sakanya. Ilang saglit pa siyang tumawa-tawa baka nakasagot sa tanong ko na ewan ko ba nakakairita siya.
"You sound like a jealous girlfriend Khalisee." Nakangising sabi niya sakin at ng magtama yong mga mata namin nagwink pa siya sakin.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin at saka ko siya inirapan. Kinuha ko din yong pamaypay ko at hinampas ko siya sa braso.
"Asa ka boy! Mas lalong ayaw kung sagutin yang mga kateammates mong katulad mong malandi!" Eto kasing si Ian eh kasali sa team ng Varsity at siya yong Captain ball, nasa 4th year na kasi siya ng course niya habang ako naman nasa 1st year college palang.
At dahil magkapitbahay lang kami at halos sabay lang ng oras ng pasok pati uwi kaya sumasabay na din ako sakanya pauwi. Kaso lang meron siyang practice sa basketball kapag uwian kaya nag-aantay ako sa kanya sa gym at nanunuod na din ng game since wala naman akong ginagawa sa bahay.
"Dapat lang!" Nakasimangot naman niyang sagot sakin at mas lalo pa niyang panabilis yong pagdadrive niya buti nalang talaga at sanay naku na ganito siyang magdrive.
At dahil medyo malayo-layo pa yong subdivision na tinitirhan namin naisip kung magbrowse na muna ng Youtube. Una kung nakita is yong vlog ng Mommy ni Ian naka-subscribe kasi ako sa vlog ng Mommy niya. Si Tita Ivana kasama si Tito Rez, ang Daddy namin ni Ian. Nasa isang trip sila sa Siargao.
Uhm, nasabi ko na ba sa inyo na anak ng sikat na Actress s***h vlogger 'tong si Ian, si Tita Ivana habang business tycoon naman si Tito Renz, kaya huwag na kayong magtaka kung bakit ang daming baliw na baliw sa kanya hindi lang dahil sa gwapo, or mayaman kundi dahil din sa parents niya.
"Wow! Ang sweet naman ng parents mo dito!" Sabi ko kay Ian ng halos makalahati ko na yong vlog. Pinakita ko din sa kanya yong screen ng phone ko habang nakapost yong vlog. Kaso ang abnormal mukhang pinaglihi sa sama ng loob at walang interest sa pinaggagawa ng parents niya kasi ni-hindi man lang niya tinignan yong screen ng phone ko. Napasimangot nalang tuloy ako.
"Ang bitter mo talaga, kapag ako yan lagi akong sasama sa vlog ng parents ko!" Nangangarap na sabi ko naman sa kanya. Ayaw na ayaw niya kasing nakikita siya sa kahit na anong video's ng parents niya, kung makikita man lang hlaos wala pang one minute yong appearance niya don. Kaya minsan ako yong sinasama ni Tita Ivana sa ibang videos niya para substitute ni Ian.
Meron yong nagbake kame ng cookies and cake at saka yong challenge na buying everything in the menu na sobrang saya kasi hindi namin naubos yong binili namin don sa Sushi shop tas nagbayad si Tita Ivana ng hlaos thirty thousand tapos ang naging ending is namigay kaming tatlo, kasama si Ian ng mga sushi don sa mga taong nagmamalling nung araw na yon para maubos yong binili namin.
"Pwede ko naman sabihin sa kanya na isama ka niya ule sa video's niya." Walang pakialam na sabi ni Ian.
"Ayuko nga nakakahiya!" Pabebe ko namang sabi sakanya pero in the back of my mind gustong-gusto ko ule makasama! Eh kasi naman yong last na nasama ako is 3 months ago.
"Before she left for Siargao with Dad she told me last time she want to make a new video with a unique content."
"Talaga? Ano naman daw yon?" Kumunot naman yong noo ni Ian ng ilang sandali, mukhang inaalala pa niya kung ano yong title.
"I'm not sure if I remember it correctly, but I think I heard like, "Twenty-four hours Jowa Challenge" it's weird and I'm not really listening when she was talking about it since I'm not interested."
"OMG!" Hindi ko naman maiwasang mapasigaw sa narinig ko mula kay Ian. "SOBRANG SIKAT KAYA NG JOWA CHALLENGE NGAYON SA MGA YOUTUBER!" Excited na excited na sabi ko kay Ian. Sinamaan naman niya ako ng tingin sa ginawa kung pagsigaw.
"Khali how many times do I have to tell you not to yell whenever you feel excited?!" Inis na tanong sakin ni Ian. Nag peace sign naman ako sa kanya.
"Sorry naexcite lang po." At saka ko kinagat yong pang-ibabang labi ko. Don ko lang din napansin na nakahinto nap ala yong car niya at nasa harap na pala kami ng bahay nila.
"Isipin mo kasi magkakaron ng boyfriend ang Mommy mo for a day! Alam naman nating lahat na kahit na meron kana at si Tito Renz eh bentang-benta pa din ang ganda ni Tita. Wah! Excited naku sa vlog niyang yon, sana umuwi na sila ni Tito para matanong ko siya kung anong mangyayari don at sino yong choice niya na maging jowa!"
Nang ibaling ko naman yong tingin ko sa kanya sobrang sama na ng itsura niya na halos hindi mo na maipinta. Mukhang hindi niya bet na magkaron ng ibang jowa Mommy niya.
"Eeehh! Challenge lang naman yon eh!" Macute kung sabi kay Ian pero mukhang naiinis na ang Uncle niyo wala man lang ka-reaction reaction. Pinahaba ko nalang tuloy yong nguso ko at nag-isip ng pwedeng palusot para mawala na yong inis niya.
"Ian medyo gutom naku, hehe. Tara baba na tayo kain ng mirenda!" At saka ko hinawakan yong handle ng pinto para makalabas na sa car kaso hinawakan niya yong braso ko para pigilan ako at saka ko narinig yong paglock ule ng mga pinto ng kostse.
"Gutom naku, tara na."
"I don't like that idea. Mom can only do that challenge if it's with Dad." Seryoso niyang sabi sakin.
"Killjoy!" Gusto ko sanang sabihin sa mukha niya kaso pikon na ang Uncle niyo so next time ko nalang siya kokontrahin.
"Oh di hindi! Mirenda na garud tayo at gutom nako." Muli kung sabi sakanya pero wala naman akong nakuhang sagot nakatitig lang siya sakin na para bang minimemorize siya lahat ng details sa mukha ko.
"Baka matunaw naku nyan!" Unti-unti naman siyang lumapit sakin at seriously hindi ko alam ang gagawin ko.
Gagalaw ba ko para hindi kame tuluyang magkalapit? Or hayaan ko lang na magkalapit kami? Sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko pakiramdam ko dalawa kaming nakakadinig ng ingay na ginagawa ng puso ko na parang nakakabinig na para sakin dahil kung bakit hindi ako makagalaw at inaantay lang na magkalapit yong mga mukha namin at mag dikit yong mgal ips namin.
Agad kung naamoy yong pang lalaki niyang pabango na sinamahan pa ng body wash at oo na gustong-gusto ko talaga yong amoy niyang 'to. Kaso hindi ko talaga maintindihan kung bakit ganinto yong nararamdaman ko kapag kaming dalawa nalang tapos ganito pa kami.
Oo mahal ko si Ian magbestfriend kami ee, simula bata kasama ko na siya. Magbestfriend ang Daddy ko at si Tita Ivana kaya hindi nako nagtaka na kami din ni Ian ganito ngayon. Pero ewan ko ba eh, parang my mali akong naiisip eh.
Mali bang mag-alala ako para sa kanya? Normal lang yon naman yon matalik na magkakaibigan diba? Pero bakit ganun? Parang more than pa sa pagiging bestfriend yong nafefeel ko sa kanya eh. Pwede ba yon? Pwede bang makaramdam ako ng inis? Inis ba o galit kapag nakikita kung my kalandian siyang babae? Urgh! Pati ako naguguluhan na din eh!
Nawala naman sa isip ko yong kung ano-anong pumapasok na kalokohan sa isip ko nung naramdaman ko yong noo niyang dumikit din sa noo ko.
"Ian.." Napapaos na tawag ko sa kanya. Amoy na amoy ko na ngayon yong mabango at pinaghalong mint na hininga niya.
"Uhmm.." Sagot niya din sakin. Ni-hindi ko na siya makita ng maayus sa boring lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Pakiramdam ko nga kapag nagsalita siya at gumalaw yong lips niya magdidikit na mga lips namin.
Paano kaya humalik si Ian? Madalas ko naman nasusulyapan yong lips niya pero hindi ko magawang titigan kasi baka mapansin niya yon at kung ano pa yong isipin niya.
Mas lalo tuloy humigpit yong maghawak ko sa skirt ko dahil sa ayus namin ngayon ni Ian. Hindi ako mapakali at hindi din ako komportable pero gusto ko yong ayus namin ngayon. Urgh! Ang weid nito.
"M-mashado na ata tayong malapit sa isa't-isa." Kinakabahang sabi ko sa kanya. Pero ang mokong mukhang walang pakialam sa ayus namin ngayon.
"I want to kiss you so bad." Mas napapaos pa niyang sabi sakin.