Chapter forty nine ARA Nandito ngayon ang byenan ko napakaaga niyang dumalaw dito, kinakamusta si Athena, alam pala niya na doon natulog si Junpei, tapos siya paa ng dinahilan ko ng tumawag ako, nakakahiya talaga kaya umiiwas ako sa kaniya dahil baka magtanong nanaman siya. Hindi na kase ako nakapag isip pa ng ibang dahilan kase nabigla ako sa sumagot ng tawag niya, si Athena ba naman ang sasagot ng tawag ko gamit ang phone ni Junpei ng hating gabi, nakakataranta kase hindi ko naman kase inasahan yun, syempre kung may nangyaring masama kay Junpei kailangan alam ng lahat baka walang humingi ng tulong para sa kaniya, malay ko ba. “ Ito yung—” “ Ay kabayo!” “ Bakit ka nagulat? Wala ka sa sarili?” “ Bigla bigla kang susulpot sa likuran ko, kanina nandoon ka lang sa labas.” “ Dinala ko