Chapter forty seven ARA Hindi na ako pinapunta ni Junpei sa kompanya niya, hindi ko alam kung bakit, baka dahil kay Athena? Ako kase ang pinagbibintangan na nagpatid sa kaniya, paano ko mapapatid yung nasa likuran ko? Maski naman si Athena alam niyang nasa harapan niya ako. Nakakainis lang kase walang nagtatanggol sa akin, wala akong magawa kung hindi ang tanggapin ang mga pinagsasabi nila sa akin, ang mga paratang nila sa atin. Nakabihis na si Junpei papuntang kompanya kaso bigla ulit siyang nagbihis at nagmamadaling umalis, hindi ko na siya tinanong kung saan pupunta, nakalong sleeve lang siya ngayon at parang hindi pupunta sa kompanya nila. Saan naman kaya siya pupunta? Mukhang may date si Junpei. Iba ang porma niya ngayon, bakit baa ko nag aalala dito? Bakit ko ba siyang tinitig