Prologue
Simula ng hiniwalayan ko ang asawa ko mas naging miserable na ang naging buhay ko.
Ang akala kong magaan at masayang buhay ay naging mas mahirap pala, ibang iba sa pinangarap ko.
Nalulong sa sugal si Mike.
Nabaon kami sa utang.
Nawala ang tinutuluyan naming condo unit.
Nabenta niya halos lahat ng kanyang ari-arian.
At ngayon? marami siyang utang sa mga taong nakilala niya sa casino at gusto siyang ipakulong dahil sa laki ng hiniram niyang pera. Hindi ko nabantayan ng maayos si Mike dahil malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi siya magbabago ng trato sa akin.
Akala ko ibang iba siya sa dati kong asawa na si Junpei pero mas malala pa pala siya. Minahal ko siya, mas nabaliw ako sa pagmamahal kay Mike kaya naman kahit lubog na kami sa utang ay hindi ko siya iniwan.
Pero ang akala ko ganun din siya sa akin, kaso hindi.
He betrayed me also.
And the worst thing is? Ako ang binayad niya upang mabayaran lahat ng mga nahiram niyang pera at mabawi ang iba niyang ari-arian.
At ang masakit pa? He sold me to my ex husband.
I became his slave.
His pet
And his bed warmer.