Chapter eleven ARA Matatanda na kami pero hindi ko maiwasan magtampo, kase naman itong si Mike hindi man lang manuyo, siya na nga itong nang away sa akin ako pa tong gusto niyang manuyo? Pataasan na ba ng pride dito sa bahay, akala ko ba kapag mahal mo ang tao kaya mong ibigay lahat? Pakiramdam ko ngayon ako na lang ang nagbibigay at hindi na si Mike, oo sa pera siya pero mentally hindi na ako healthy. Nakakapagod din umintindi minsan lalo tuwing naiisip ko, anong pagkakamaling nagawa ko sa kaniya? Siya na nga itong pinili ko tapos hindi pa maganda ang pinapakita niya ngayon sa akin. Sa umpisa lang ba talaga masaya? Ang dami kong natututunan dito ng maging kami ni Mike, minsan ayaw kong isipin na nagsisisi ako sa pinili ko dahil nakakapanghina ng loob. Kailangan ko maging matatag da