Chapter twenty five ARA Inantok lang ako sa party na iyon, alalay nga talaga ako ni Junpei, nakabuntot sa kaniya na parang aso, nakakainis! Gusto ko ng magpahinga ng gabing yun kaso twelve midnight na ng makauwi kami. Lahat sila nagkakasiyahan ako yung hikab ng hikab doon sa table ko, si Junpei kase may sariling table kasama ng mga kapwa niya negosyante. Ayaw ko naman uminom ng alak, may hang over pa kase ako ng gabing iyon kaya hindi na ako kumain at uminom lang ako ng tubig. Tapos kinabukasan sinama nanaman niya ako sa opisina niya, grabeng pasakit ito, kung siya sanay ako hindi. Noon kase nagigising ako sa oras na gusto ko, unlike now na kailangan maaga, magluluto pa ako ng almusal ni Junpei tapos kapag hindi siya makatulog kailangan lutuan ko pa siya ng pagkain niya. Para siyang