REAGAN begun to investigate the accident of her family. Bumalik siya sa dati nilang bahay upang tignan kung may mga makukuha siyang lead tungkol sa nangyari sa kanila pero wala siyang nakuha kundi ang tanging nakikita niya lang ay ang sunog nilang bahay na wala ng mapapakinabangan. Napabuntong hininga siya saka pumasok sa loob ng dating kwarto ng kaniyang mga magulang. Sunog na sunog ito maliban na lang sa cabinet na nasa sulok. Nilapitan ni Reagan ang cabinet at tinignan ito. Binuksan niya at nakita niyang hindi pa sunog ang ilang laman ng cabinet. Sa lahat ng mga gamit nila, ang cabinet na ‘to ang mukhang hindi nasunog. Nakita ni Reagan ang mga larawan ng kaniyang ama at ina. Nakita niya rin ang larawan nilang magkakasama, ang kaniyang Daddy, Mommy at ang kapatid niyang si Rachel

