WHEN Reagan woke up, unang bumungad sa kaniya ang white ceiling. Naramdaman niya kaagad ang kirot sa sugat niya. Huminga siya ng malalim at sinubukang bumangon pero sumakit ang sugat niya sa balikat. Napangiwi siya at hindi na lang niya itinuloy ang balak niyang pagbangon. Napatingin siya sa gilid niya nang maramdaman niyang may nakahawak sa kamay niya. She saw her husband sleeping while holding her hand. Napangiti siya at napatingin sa pinto nang may pumasok. Ngumiti si Bree. "Mabuti at gising ka na." Kaagad na sinenyasan ni Reagan si Bree na huwag maingay at itinuro ang asawa niya. "Sorry." Bree said. Inilapag nito ang hawak na bag sa gilid ng kinahihigaan niyang kama. "Ano 'yan?" Mahinang tanong ni Reagan. Ngumiti si Bree. "Mga damit at undergarments na hindi ko pa nagagamit. Hinir

