Episode 2: First Training

1052 Words
Hanggang sa nakapalik na sila ng headquarters at agad siyang pinatawag ni Director General, dahil nakarating sa kaniya ang nangyari. Sumama naman ang kanyang partner, dahil gusto nitong makasigurado na okay lang ito. Pagdating nila sa sa may pinto kumatok agad si Clyde. "Come-in!" boses sa loob. Pagpasok nila ay sabay ang dalawang nagsaludo. "Sit down!" utos ni Director General Robinson sa dalawa. "Salamat, General!" tugon nila. Napansin ni General na parang napangiwi si Clyde, nang sumandal ito sa upuan. Alam agad niya na may masakit sa katawan ng kanyang anak. Hindi siya nakatiis at nilapitan niya ito. Nagulat naman si Doyzkie sa ipinakita ni Director General, kaya napaisip ito ng masama sa dalawa. Agad kumuha ng yelo si Director General, at ibinigay sa anak. "Next-time be careful!" Paalala nito sa kaniya. "Yes, General. Thank you!" tugon naman niya. Hanggang sa lumabas na ang dalawa at agad siyang siniko ni Doyzkie. "Ayos partner, ah!" At ngumiti ito. "Anong ayos? Nabugbog na nga ako ayos pa rin sa 'yo!" "Ikaw naman! Hindi iyan ang tinutukoy ko." "Eh, ano?" "Iyong tungkol kay General." "Why? What about her?" "I smell something." Ngumiti ito, nang nakakaluko. Napailing at n si Clyde sa sinabi ng kaniyang partner. "You're crazy!" sinabihan niya ang kasama. Naunang umuwi si Clyde sa kanilang bahay dahil gusto niyang ipahinga ang katawan sapagkat namamaga ang balikat at tuhod. Tinawagan naman niya ang kaniyang ina upang magpaalam, at pagkatapos mag-usap ay agad namang nagtanong si Doyzkie. "Partner, sino iyon?" "Si General!" "Wow! Ayos ah! Mom talaga?!" "Dude, puwede mo ba akong ihatid sa bahay?" pakiusap ni Clyde sa kasama. "Sige ba! Para naman makapasyal ako sa inyo." "Thank you!" Pagdating nila sa labas ng malaking gate ay namangha si Doyzkie sa laki ng bahay at hindi makapaniwala na dito nakatira si Clyde. "Partner, kanino itong bahay?" "Sa aking mga magulang." "Weee?! Iyong totoo?" Hindi pa rin makapaniwala si Doyzkie. Ngumiti naman si Clyde at sabay pindot niya sa intercom. "Yaya Maek, please open the door!" wika ni Clyde. "Wow! Partner ha yaya talaga?" Hindi pa rin ito makapaniwala. Ang sa isip niya ay hambog ang kaniyang kasama. Nang biglang bumukas ang pinto ay mas lalong namangha si Doyzkie. Dahil napakalawak sa loob at may pool pa ito. "Tara pasok muna tayo!" Nang makapasok na sila sa loob ng bahay ay mas lalong lumaki ang kanyang mga mata, dahil sa lawak at ang ganda ng mga disenyo sa loob nito. "Diyos ko, Clyde! Okay ka lang ba?" pag-aalala ni Maek. "Yaya Maek, okay lang ako," tugon niya, na hinawakan pa ang pisngi ng yaya niya. Mahaba-habang panahon na rin si Maek sa pamilyang Robinson, hanggang sa nakapag-asawa ito. Ngunit nanatili pa rin siya sa pagiging yaya niya sa dalawang magkapatid. Niyaya niya ang kaniyang partner sa may pool at umiinom sila tig-isang beer. Sinabihan rin niya si Doyzkie na doon na maghapunan at nag-okay naman ito. At maya-maya pa'y dumating ang mga magulang ni Clyde, at agad siyang pinuntahan ng kaniyang Daddy. At ang Mommy niya ay dumiretso pa sa loob ng bahay. "Clyde!" sambit ng Daddy niya na nasa mukha ang pag-alala. "Dad!" tugon niya, sabay halik sa pisngi ng ama. Ito na ang nakasanayan nilang magkapatid mula bata pa sila hanggang sa lumaki na. "How are you, son? Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo kanina." "Don't worry, Dad. I'm Okay." "Are you sure or do you need to call me a doctor?" "No need, Dad. Thanks!" Tinitingnan ni Tom ang mga namamagang parte sa katawan ni Clyde, upang masiguro na okay lang ba talaga ang anak niya. Napailing ito at agad tumawag ng doctor. Dumating ang Mommy niya at dali-daling tumayo si Doyzkie at napa-salute na wala sa oras. "Good evening, General!" wika niya na sobrang tuwid ang pagkatayo. "Good evening!" tugon naman ni General. "Mom!" At humalik si Clyde sa pisngi ng ina niya.. Nakaramdam naman ng sobrang hiya sa sarili si Doyzkie, dahil pinagdudahan pa niya na babae ni Clyde si General. Hanggang sa pumasok na sa loob ang mga magulang niya at nagpatuloy naman na nagkukwentuhan ang dalawa. Doon nalaman ni Doyzkie ang totoong pagkatao ni Clyde, at napahanga ito sa pagiging simpleng tao ng kaniyang partner. Pagkatapos ng kanilang hapunan ay nagpaalam na ang bisita, at sakto naman na dumating si Jhapdel Fernandez na ngayon ay isa na siyang 'General Practitioner Doctor'. Siya ang panganay na anak ni Divlen at Collin Fernandez. "Bro, are you okay?" puno sa pag-alala ang mukha ni Jhapdel. "I'm fine! By the way, bro. Partner ko pala sa trabaho, si Doyzkie Albarracin. Pinsan ko, dude. Si Jhapdel Fernandez, practitioner doctor." pakilala niya sa dalawa. Nagpalitan naman ng 'Hi' ang dalawa. Hanggang sa tuluyan nang umalis si Doyzkie. Sinusuri ni Jhapdel ang kalagayan ni Clyde. Turan nito ay walang dapat ikabahala dahil bugbog lang ang natamo nito at wala namang malubhang injuries. Binigyan lang siya ng pain reliever para mas madali siyang maka-recover. Hindi nagtagal si Jhapdel, dahil mayroon pa itong duty sa hospital. Pag-alis niya ay agad naman siyang kinausap ng kaniyang Ama. "Clyde, mas mabuti siguro kung huwag ka munang papasok bukas, ipahinga mo muna iyang katawan mo." 'It's okay, Dad. Narinig mo naman ang sabi ni pinsan ko. Kaya ko na ito, Dad." Kinabukasan ay balik duty naman si Clyde, ngunit hindi na sila pinabalik. Dahil nag-alala ang kanilang Chief na baka babalikan si Clyde sa mga pamilya na nakabangga nito. Nalaman rin ng ina niya na may kaya ang mga nakabangga ng anak niya. Pero lingid sa kaalaman ni Clyde na may mga tauhan ang Mommy niya para magbantay sa kaniya. Samantala walang kaalam-alam si Clyde na may nakaambang na panganib sa kaniya nang araw na iyon, dahil ang isang pamilyang nakabangga niya kahapon ay nag-hire ng mga bandido na mga tao para ipaligpit siya. "Partner, lunch time, na kain muna tayo," yaya ni Doyzkie sa kanya. "Wala pa ang relebo natin partner, maya-maya na," tugon ni Clyde. "Ayan na sila, partner," turo ni Doyzkie sa dalawang papalit sa puwesto nila. Pagkatapos ay nagtuloy na sila sa malapit na kainan at paghinto pa lang ng kanilang motor ay may mga armadong kalalakihan na papalapit sa kanila. Paputukan na sana sila ngunit bigla silang naunahan sa mga tauhan ni General Robinson. "Dapa!" utos sa kanila ng mga naka-civilian na bodyguards ni Clyde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD