XELLONIA POV “ANG ganda ng room natin, ano? Anong view mo sa veranda mo?” Tinignan ko si Karen, nasa loob na kami ng elevator. “Sobrang ganda nga, Karen. First time kong maranasan ito... Iyong view ko sa veranda? Dagat. Lucky!” nakangiting sabi ko sa kanya. “Aww! Lucky nga!” nakangusong sabi niya sa akin, napangiti na lang ako sa kanya. Nakababa na rin kami sa lobby at nakita naming nandoon na sina ate Lina, ate Marie, at ate Inday, hindi lang pala sila ang nandoon, maging sina Master Santi and Master Vill, napaiwas ako ng tingin sa kanila. “Nakatingin sila Masters sa iyo—nagugutom na ako!” Pag—iiba niyang sabi sa akin. Lumakad na kami papunta sa may lobby. Naupo kami sa mahabang sofa ni Karen habang hinihintay ang ibang kasama namin hanggang sunod—sunod na silang dumating. “Come

