CHAPTER 2

1454 Words
XELLONIA POV TINAPOS ko na lang mag—igib ng walong timba at isang palanggana namin. Halos inabot ako ng isang oras dahil sa pag—iigib. Tinulak ko na ang kariton na halos dahan—dahan dahil may pag—asa na matapon ang laman nito kapag hindi ako nag—ingat. Tagaktak ang aking pawis nang makarating ako sa bahay. Nakita ko si Mama na naglalaba na sa labas namin gamit ang washing machine na binili ko. Binili ko iyon dahil nagrereklamo siyang masakit na ang kanyang likod at kamay kakakuskos ng damit. “Bakit ang bagay mo naman yatang mag—igib, Xellonia! Inabot ka ng siyam—siyam doon! Ano ka ba naman! Kanina ko pa hinihintay ang tubig!” malakas na sabi ni Mama sa akin habang nakalagay ang kanyang kamay sa magkabilang bewang niya. “Mama, sabihin ninyo nga sa akin... Hindi po ba kayo nagbayad ng tubig kaya naputulan tayo ngayon?” tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita bagkus ay kinuha ang isang timba na akala mo ay walang naririnig mula sa akin. “Ma? Saan napunta ang pera na dapat ay pambayad sa tubig natin? Sa iyo ko binigay iyon, ʼdi ba? Sa inyo ko binigay kasi nga ay sobrang busy ko last week,” mahinahon na sabi ko sa kanya. Tinignan niya ako habang nanlilisik ang kanyang mga mata. “Hindi nabayaran, Xellonia! Happy ka na?” bulyaw niya sa akin kaya napatingin ang ibang kapitbahay namin ngayon. Nakagat ko ang aking ibabang labi at huminga nang malalim. “B—bakit hindi po kayo nakapagbayad, Mama? Sinabihan ko naman po kayo?” Pilit kong hindi magalit sa kanya. “Hiniram ng kuya Randy mo ang pera! Babayaran naman niya kapag nakapagtrabaho siya!” “Hiniram? Para saan? Sinugal lang ni kuya Randy ang pera na iyon—” “Grabe ka, Xellonia! Pera lang parang pinagdadamutan mo na! Babayaran ko ang pera na iyon kapag nakapag—trabaho ako!” Nagulat ako nang makita ko si kuya Randy na nasa pinto namin at hawak ang phone pa rin niya. “Pota! Obob talaga itong kakampi ko!” bulyaw pa niya. Babayaran? Kailan pa? Kapag puti na ang uwak? “Tignan mo? Babayaran naman ng kuya mo! Kaya manahimik ka dʼyan! Pera lang naman iyan!” “Ma? Pera lang niyan? Ma, pinagtrabahuan ko iyon—” “Manahimik ka, Xellonia! Kami ang nagpalaki sa iyo kaya huwag kang magsalita dʼyan! Ang laki ng ginastos namin sa iyo! Wala kang utang na loob! Alam mo ba na simula ng mapunta ka sa amin ay nagkadamalas—malas kami! Bwisit ka! Tapos sa kararampot na kinikita mo ay nagmamalaki ka na!” Nakita ko ang bulungan sa paligid namin. “Hindi sa ganoʼn, Mama—” “Lumayas ka sa harapan ko!” Napapikit ako nang tumapon ang ilang tubig sa mukha ko. Huminga akong malalim at umalis na rin sa harapan niya. Naalala kong may pasok pa rin pala ako. Lumakad na ako papasok sa bahay at nakita ko si kuya Randy doon na nakangisi sa akin. “Hindi ka kakampihan ni Mama. Tandaan mo iyan, ampon!” madiin niyang sabi at muling bumalik ang tingin sa kanyang phone. Ampon? Ah, yeah. Sampid ako sa pamilya ng mga Clemente. Matagal naman na nilang pinagmumukha na sampid ako sa pamilya nila. Lagi ako ang huli sa lahat ng bagay. Lagi ako ang na—i—isapʼwera kahit magaling ako sa lahat ng bahay pero ang kanilang atensyon ay kina kuya Gino, kuya David and kuya Randy. Maraming beses din na ako ang gumagawa ng mga assignment and project ni kuya Randy para lang maging maganda ang grades niya noong Elementary, and High School. Sadyang Bobo lang talaga siya dahil pagdating sa exams and quizzes, lagapak siya. Ni—hindi nga niya kinayang makapasok sa college kaya iyon naging tambay... Palamunin. Pero, anong nangyari? Siya pa rin naman ang kinakampihan nina Mama at Papa. Ano pa nga ba ang magagawa ng isang ampon? Isang sampid sa pamilya nila? Wala. Nakasuot na ako ng intern uniform ko. Wala naman na kaming ginagawa sa Lazaro High, doon kami naka—OJT. Tapos na rin akong mag—demo teaching kaya kaunting linggo na lang talaga ay wala na kaming pasok at puro practice na lang ng graduation namin. Graduation? Sa April 17 iyon. Kinuha ko ang cologne ko, tinaas ko iyon at tinignan ang laman, kaunti na lang. Iyon nga lang wala akong extra money ngayon dahil hindi pa ako sumasahod sa canteen at maging sa karinderya na pinapasukan ko sa kanto. Mababa lang naman ang sahod ko roon. 250 pesos isang araw, okay na rin kaysa naman wala lalo naʼt three hours lang naman ako roon. Tamang hugas lang ng plato, kutsaraʼt tinidor at baso ng mga kumakain. Nang lumabas ako sa kʼwarto ko ay ni—lock ko ang pinto nuʼn. Madalas kasing pumapasok sa loob ng room ko si kuya Randy. Nangungupit. Pang—scatter. Lulong sa sugal kaya nababaon kami sa utang. “Aalis ka na? Hindi ka pa nagluluto ng pagkain, Xellonia!” malakas na sabi ni kuya Randy nang makita niya akong nakabihis. Tinignan ko siya at umikot ang aking mata nang tignan ko siya. “May kamay ka, ʼdi ba? Magluto ka kung nagugutom ka, kuya Randy!” madiin na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang kanyang mga mata na nanlaki. “Anong sabi mo, ha? Pinapaalala ko sa iyo na ampon ka lang, ha! Ampon ka Xellonia!” malakas niyang sabi. Napapikit ako sa kanyang sinabi. “Wala na bang bago? Ano naman kung ampon ako? Mas nakatutulong naman ako rito. Iyong perang pinang—scatter mo? Kasi hindi ko babayaran ang tubig!” malakas kong sabi sa kanya. Mabilis akong lumakad palabas sa bahay namin. “Putangina mo ka, Xellonia. Ampon ka lang! Sampid ka lang dito!” Narinig ko pa ang malakas niyang sabi at pagmumura niya nang paulit—ulit. Natamaan ko ang ego niya kaya galit na galit siya ngayon. Alam ko naman kasing mataas ang pride ng mga lalaki na iyan lalo na si kuya Randy. Napahawak ako sa aking tiyan nang nakaramdam ako ng pagkulo nito. Nagugutom na ako. Kaunti lang ang nakain ko kagabi dahil kaunti lang ang natirang pagkain para sa akin. Tapos ngayong umaga naman ay hindi na naman ako kumain. Paniguradong magkakaroon ako ng ulcer dahil sa ginagawa ko sa aking katawan. Napahinto ako sa kalsada at napapatingin sa mga jeep na dumadaan. Gusto kong sumakay pero nag—iipon ako. Nakagat ko ang aking ibabang labi at napatingin sa side walks na dadaanan ko. Nag—isip pa ako hanggang maisip na maglakad na lang at ibili itong pera ko ng biscuits sa campus. Mas mura ang pagkain doon then libre ang aking lunch sa canteen. Naglalakad na ako hanggang may bumusina, tatlong beses. Napahinto ako at nakita ko si Olive, ang isa sa maganda sa Lazaro University. “Hi, Xellonia! Papasok ka na? Exercise?” tanong niya sa akin nang mahinto sa harap ko. Nakita ko pa ang tingin niya sa akin. Ka—batch ko. Magkaiba kami ng course pero dahil sa pagiging madiskarte ko ay marami aking naging kakilala. “Um, hmm...” Tumango ako sa kanya. “Papasok na ako. Maglalakad ako papunta sa campus.” sagot ko sa kanya. “Maglalakad? Malayo pa ang campus, Xellonia! Gusto mo bang sumabay? Doon din naman ang punta ko. Pʼwede naman kitang idaan sa Lazaro High! So, tara na? Pasok ka nandito sa passenger seat!” nakangiting sabi niya sa akin. Napalingon ako sa paligid at muling bumalik ang tingin sa kanya. “Um, are you sure, Olive? Nakakahiya naman.” mahinang sabi ko sa kanya. Narinig kong tumawa siya nang mahina. “Of course, Xellonia! Come on, hop in!” malakas niyang sabi sa akin. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinawakan ko ang door ng passenger seat at pumasok ako roon. Hindi na dapat ako mahiya lalo naʼt siya ang nag—insist nito. And, ayoko rin namang maglakad nang mahaba—haba papunta sa Lazaro University. “Olive, hindi mo na kailangan dumaan sa Lazaro High. Tapos naman na kaming mag—OJT. Sa campus na rin ako bababa,” sabi ko sa kanya. “Sure! Mabuti pa kayo at tapos na sa OJT. Kami we have one week pa!” Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi. Sana lahat ng mayayaman ay katulad ni Olive at ng pamilya niya. Mabait at hindi mapangmata sa mga mahihirap na tulad namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD