XELLONIA POV LUMAKAD na lang ako nang mabilis para makapunta sa mini bus. Ayaw rin kasi ako tantanan nina ate Hazel, ate Marie at Karen. “Magiging madam na natin siya, ate Marie and ate Hazel!” Narinig ko muli ang boses ni Karen, ang lakad pa man din. “Tama ang sinabi ni Karen. Madam Xellonia na dapat ang itawag natin sa kanya.” Boses ni ate Hazel iyon. “Madam Xellonia, naks! Magiging tapat kami sa iyo, madam Xellonia.” Napahinto ako at hinarap silang tatlo dahil patuloy pa rin sila sa kanilang sinasabi. “Hoy,” namumulang sabi ko sa kanila habang tinatakpan ang aking mukha gamot ang eco—bag na hawak ko. “Tumigil na kayo. At saka anong madam? Hindi po!” Naiiling na sabi ko muli. Nakita ko si Karen na patuloy sa kanyang pagtawa. Halos hindi na siya makahingi dahil sa kakatawa. “Anong

