XELLONIA POV “MY wife...” Narinig ko ang boses ni daddy Santi kaya napalingon kami sa kanya. “Balak ko sanang ibalik na rin sa iyo ang Milky Company na galing talaga sa pamilya ninyo—” Agad akong umiling sa sinabi ni daddy Santi. “H—hindi. Masaya akong tumulong pero hindi pa ako handang mamuno ng isang malaking kumpanya... Marami pa akong kailangang matutunan. At sa ilang taon na nasa iyo ang conapnh ng family ko... Napalago mo nang mabuti ang company ng family namin, daddy Santi. Kaya ikaw na ang mag—stay na maging President doon, daddy Santi.” mahabang sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagngiti ni daddy Santi habang nakatingin kay daddy Vill. “Kung ganoʼn...” sabay lingon muli sa akin. “How about becoming the companyʼs Vice President kapag handa ka na, my wife?” dagdag na sabi niya

