XELLONIA POV ILANG araw na ang lumipas pero napapansin ko na may kakaiba sa kinikilos nina daddy Santi and daddy Vill. Paminsan—minsan ay nahuhuli niya ang dalawa na palihim na nakatingin sa akin. Kapag nahuhuli ko naman sila ay mabilis silang ngumi—ngiti sa akin at ibinabaling ang tingin sa ibang direksyon. Sobrang weird nilang dalawa. Katulad na lamang ngayon na nakatingin na naman sila sa akin. “May dumi ba ako sa mukha?” natatawang tanong ko sa kanilang dalawa. Napailing si daddy Santi sa akin. “Wala, my wife!” mabilis niyang sabi sa akin. “Are you sure?” nagtataka kong tanong sa kanya. Tumango naman si daddy Vill sa akin. “Youʼre beautiful as always, baby ko!” nakangiting sabi niya naman sa akin. Lalo akong napakunot sa aking noo. Hindi ko maintindihan ang ikinikilos nina da

