XELLONIA POV “WAIT! Saan ninyo ba ako talaga dadalhin?” tanong ko muli sa kanila. Tinignan ako ni Master Vill. “We need to talk... At hindi ka pʼwedeng tumakas.” Iyon ang huling sinabi ni Master Vill sa akin. Seryoso ang kanilang mga mukha kaya hindi na ako nakatanggi. Nakakatakot kasi silang dalawa. Hindi ko alam kung saan kami pupuntang dalawa. Basta ang alam ko lang ay kakausapin nila ako. Hindi lang iyon dahil unti—unti na kaming lumalakad palayo sa maraming tao. Parang tanga silang dalawa dahil nasa magkabilang gilid ko sila. Para silang mga bodyguard ko. Hindi naman ako tatakas. Kung tatakas man ako, makikita pa rin nila ako sa bahay nila, ʼdi ba? Hindi sila nag—iisip. Nang makita kong wala ng tao sa paligid namin ay huminto na ako sa paglalakad, kaya maging sila ay napahi

