XELLONIA POV DALAWANG araw na ang lumipas simula nang huli naming makita si Daniella. Mabuti na lamang ay wala pang kakaibang nangyayari nitong nakalipas nang araw nang makilala ko si Daniella. Tahimik pa rin ang mga sumunod na araw ko. Imbis na isipin ko ang Daniella na iyon ay nag—review na lamang ako para sa LET review namin. Wala naman akong makukuha sa Daniella na iyon kung siya ang isipin ko. Lalo naʼt sinabi nina daddy Santi and daddy Vill na hindi sila magpapaagaw sa gagang iyon. Mas may tiwala ako kay daddy Santi and daddy Vill kaysa sa martyr and attention seeker na Daniella na iyon. “My wife!” Nagulat ako nang marinig ang boses ni daddy Santi, kaya napalingon ako at doon ay nakita ko siyang may dalang paper bag. “Dumating na pala kayo! Bakit hindi kayo nagchat sa aki

