XELLONIA POV HUMARANG siya sa harapan ko kaya napapikit ako saglit, huminga nang malalim. “Hi.” Huwag mo siyang pansinin. Dumiretso ako ng lakad, kunwari hindi siya nakita. Pero, humarang na naman siya. “Xellonia.” Napahinto na naman ako. Dahan—dahan among lumingon sa kanya, naiinis na ako. “Ano?” tanong ko sa kanya. “Lumapit siya sa akin. “Busy ka?” Nakangiting tanong niya sa akin. “Hindi ba obvious?” mataray na sagot ko sa kanya. Dapat nga hindi ko na siya kinakausap. “Ano bang kailangan mo, ha?” dagdag na tanong ko dahil nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti siya sa akin. “Miss lang kita.” Hindi nagbago ang kanyang mukha. Sineryoso ko ang aking itsura. “Hindi kita kilala para ma—miss mo ko,” balik na sabi ko sa kanya. Saglit na natahimik ang lalaking ito, pero hindi nawala

