XELLONIA POV HINAWAKAN na nina daddy Santi and daddy Vill ang aking magkabilang kamay at nilagay sa kanilang braso. Nakahawak na ako roon at saka muli kami lumakad palapit mismo sa altar, sa Pari. Nang nandoon na kami ay naupo na kami sa harapan ng Pari. Ilang sandali lamang ay nagsimula na ang seremonya sa aming kasal. Hindi ko alam ang ginagawa sa amin, nilagyan kami ng lubid at kung ano—ano pa. Ako ay sumusunod lamang sa nangyayari. Hanggang dumating ang pinaka—hinihintay na bahagi, ang vows namin ng tatlo. Kailangan pa ba talaga ng vows? Mabuti na lang talaga ay naghanda ako ng aking vows. “Santi, your the one to make a vows,” sabi ng Pari sa kanya. Kaya lahat ng tingin ay na kay daddy Santi. “Xellonia...” Narinig kong huminga nang malalim si daddy Santi habang nakatitig an

