XELLONIA POV MATAGAL bago may nagsalita sa aming tatlo, abala kaming kumakain ni Karen pero ang Aragon na iyon ay nakatingin lamang sa amin habang nilalaro ang kanyang pasta. Hindi ko alam kung tawag sa inorder niyang pasta, na may green sauce sa ibabaw. “Maʼ am Xellonia, masarap ang beef caldereta nila.” Tinignan ko si Karen at tumàngo ako sa kanya. Tama ang kanyang sinabi, masarap ang sauce at hindi lang iyon dahil malambot ang beef nito at maging ang potato. “Same with this half of crispy pata... And sinigang na hipon,” sabi ko sa kanya. Heto ang kasama sa three main dish namin. Napahinto kami ni Karen nang marinig naming naubo nang mahina ang Aragon na ito. “Alam mo, Ms. Clemente...” Hindi ako sumagot. Walang nag—react sa kanyang sinabi. “Hindi na ako magpapaligoy—ligoy pa

