XELLONIA POV NAKATINGIN ako ngayon sa aking phone, hindi ko alam kung tatawag na ba ako kay mom Bianca para makahingi ng tip, or mamaya na lang kapag dumating sina daddy Santi and daddy Vill from company nila. “Maʼam Xellonia, tititigan mo lang ba niyang phone mo? Akala ko ba manghihingi ka ng tips mula kay Madam Biancs? Kung paano hindi kabahan sa harap ng maraming tao, sa mga Lazaro. Kaya tawagan mo na siya!” Pagpupumilit ni Karen sa gilid ko. Niyugyog niya ang magkabilang braso ko kaya umaalog—alog ako ngayon. “S—sandali lamang... K—Karen, nahihilo ako!” malakas na sabi ko sa kanya. Tumigil na siya sa paghawak sa aking braso. “Sorry, Maʼam Xellonia. Huwag mo kong isumbong kina Master Santi and Master Vill, ha?” sabi niya sa akin kaya natawa ako sa sinabi niyang iyon. “Sira! Pero

