XELLONIA POV ILANG araw ang lumipas, nakita ko ang phone ni daddy Santi na nag—ri—ring. Nakita ko ang pangalan ni SPO1 Lazaro sa screen ng phone niya. “Daddy Santi? Daddy Santi, si SPO1 Lazaro ay tumatawag!” malakas na sabi ko habang nakatingin pa rin doon. “Wait, my wife!” May narinig aking nahulog sa loob ng walk—in closet namin at doon ay nakita ko na siyang lumabas. Kinuha niya ang kanyang phone at sinagot ang tawag. Hindi pumasok si daddy Santi sa work niya para mabantayan niya ako. “Hello, Calvin! May update na ba?” mabilis na tanong niya habang nakatingin sa akin. Binaba niya muli ang tawag at ni—loudspeaker niya iyon. “Santi, ayon sa kaibigan kong investigator... May lumabas ng results about sa investigation natin... Sa ilang chats and messages na nakuha mula sa phone ng

