XELLONIA POV NANG mabasa ko ang salitang DNA Test Report sa harap ng envelope ay bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking katawan. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang kumakabog nang mabilis ang puso ko, sobrang lakas. Pakiramdam ko ay may kung anong malaking katotohanan ang naghihintay sa akin ngayon once na mabuksan ko ang envelope na ito. Mahigpit na hinawakan ko ang envelope habang kita ko sa aking paligid na nakatingin sa akin silang lahat. Hinihintay nila akong buksan ang envelope na ito. Huminga muna akong malalim at dahan—dahan kong ibinuka ang envelope, tinanggal ko ang dikit doon. Nang mabuksan ko ay inilabas ko ang papel na nasa loob. Nakatupi ito sa tatlo. Napatingin ako kina daddy Santi and daddy Vill. “A—ari you sure na bubuksan ko ito?” pagtatanong ko sa kan

