XELLONIA POV HINDI na ako nagulat nang bigla nila akong yakapin na dalawa. Para kaming tanga rito sa may tapat ng main door, nagyayakapan kaming dalawa. Mabuti na lang at walang nanonood sa amin ngayon. Dahil kung mayroʼn man... Sasabunutan ko silang dalawa dahil binigyan na naman nila ng dahilan para asarin ako lalo na si Karen. Umubo ako nang mahina kaya napatigil silang dalawa at tinignan nila ako. “Why, baby ko?” tanong ni daddy Vill sa akin. Tinignan ko silang dalawa. “Kakauwi ninyo lang na dalawa... Alam ninyo ba iyon, ha?” tanong ko sa kanilang dalawa. Tinignan nila ako at hawak na nila ang magkabilang kamay ko. “Of course, my munchkin! Nagmadali talaga ako na makauwi para makita ka agad!” Hinigpitan ni daddy Santi ang aking kaliwang kamay. “Same with, baby ko! Nakatingin na a

