XELLONIA POV HUMARAP na muli ako sa salamin, bahagya akong natigilan dahil wala na gaano ang pamumula ng aking leeg, mabuti na lang talaga ay nakita ko iyon. Umikot pa ako sa salamin at baka may makita na naman akong pula sa aking katawan. Wala na rin naman. Nagsuot na muna ako ng oversized loose shirt, ginawa ko itong pamatong dahil nahihiya rin akong lumabas na naka—swimsuit lamang. Huminga akong malalim. “Xellonia, kumalma lang tayo. Walang ibang makakakita ng pula na iyan sa katawan natin. Natakpan ko naman na,” kausap ko sa aking sarili. Ilang minuto pa rin akong nasa harap ng salamin hanggang nagpasya na akong umalis doon. Kinuha ko ang aking tote bag, nilagay ko roon ang aking phone, wallet, sunblock na bigay nila, extra oversized shirt and plastic. Kinuha ko na ang tote bag k

