XELLONIA POV “XELLONIA, tignan mo sina Master Santi and Master Vill, oh? Nakatitig sa iyo,” mahinang sabi ni Karen at ninguso niya sila Masters. Napalunok ako sa kanyang sinabi at umiling sa kanya. “Huwag mong pansinin iyon, Karen. Huwag mo silang pansinin,” sabi ko sa kanya sa mahinang paraan. “Sus! Ikaw talaga, Xellonia. Kung ice cream ka lang... Baka tunaw ka na ngayon,” sabi niya sa akin at sinundot—sundot ang aking tagiliran. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinalakihan muli siya ng aking mga mata. “Haba ng hair mo talaga, Xellonia. Wala na akong masabi sa iyo! Magiging madam ka na namin—aray! Nagsasabi naman talaga ako ng totoo, madam Xellonia!” Wala talaga akong masabi kay Karen, talagang iniinis niya ako. “Ewan ko sa iyo, Karen! Tara sumakay na lang muli tayo sa banana

