XELLONIA POV ILANG minuto rin ang tinagal naming magkakayakap hanggang nakaupo na kaming tatlo rito sa kama na magkakatabi. Ako na naman ang nasa gitna nilang dalawa. “My wife, bilib din ako sa iyo... Hindi ka nagpatalo sa kanya,” natatawang sabi ni daddy Santi sa akin habang humihimas na ang kanyang kamay sa aking kaliwang hita. Napatingin ako sa kanya. “Siyempre,” nakangiting sagot ko sa kanya. “Bahay natin ito, ano! Bakit ako magpapatalo sa kanya?” dagdag na sabi ko. Ang tunay na ilaw ng tahanan ay hindi nagpapatalo sa mga naliligaw na ahas. Kaya bakit ako magpapatalo, ʼdi ba? No way! Nagulat ako nang may humawak sa aking buhok. Nakita ko si daddy Vill iyon. “Thatʼs our girl,” nakangising sabi niya. Kaya hindi ko napigilang mapangiti nang malaki. “Of course! Kailangan kong ipa

