“Birthday ko pero bakit parang nagluluksa ka?!” Napalingon ako nang marinig ang nakaririnding boses ng kaibigan ko, si Kairro. “Your party is boring.” Nilagok ko na lang ang whiskey na nasa baso bago muling tumanaw sa karagatan. Bakit ba kasi sumama pa ako rito? Kung hindi lang ako binlackmail ng mokong na ito ay wala naman ako rito sa party niya sa gitna ng karagatan. Ang sabi niya ay parati siyang pupunta sa opisina at sa bahay ko kung hindi ako dadalo sa birthday celebration niya ngayon. Ayaw kong pestehin niya ang buhay ko kaya kahit napipilitan man ay sumama ako. Sana ay kasama ko ang anak ko ngayon at inaalagaan sa halip na nandito. Tsk! “Grabe ka sa akin. Parang hindi mo ako best friend. Masakit dito.” Hinawakan pa niya ang dibdib na animo ay totoong nasasaktan. Paasik na sina
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


