I knocked on the door in front of me with a trembling hand and pounding heart. I didn’t know that just by mere knocking would feel like a matter of life and death situation. Pakiramdam ko ay sasabak ako sa isang giyera na wala man lang akong dala kahit na anong sandata. Simpleng paglunok lang ng laway ay hirap na hirap akong gawin. Akala ko ay maghihintay pa ako ng ilang sandali bago makapasok ngunit sa ikalawang katok ko ay narinig ko ang tinig na nagmumula sa loob. “Come in…” Noong narinig ko ang pamilyar na baritonong boses na iyon ay pakiramdam ko katapusan ko na. Sa kaloob-looban ko kanina noong kumakatok ako ay hinihiling ko na sana ay nakatulog na lang siya para hindi pa kami magkita o kaya ay magpasya si Sir Austine na mamaya na lang kami mag-usap. Tat

