Prologue

2541 Words
"Magna Cum Laude for Business Administration, Pierre Robert Salvador!" No one could be prouder than I am at this moment. Habang pinagmamasdan ko ang bawat galaw, ang bawat ngiti at ang bawat pagkislap ng mga mata ni Robby as he waits for his approaching parents, napakabilis ng tibok ng puso ko. I wanted to be there for him at this moment. I wanted to be the one who places the medal on his neck. I wanted to tell him how happy and proud I am of him. I wanted to be beside him as he looks at his medal with pride in his eyes as the graduates clap their hands for him. But I can't. Not at this point in time. Gayunpaman, handa akong maghintay gaya ng ginawa kong paghihintay sa kanya sa loob ng anim na taon. Wala akong pakialam dahil sinigurado ko namang magbubunga ng maganda ang ginawa kong paghihintay, pagpapalaki, pag-aalaga at pagmamahal kay Robby dahil oras na lang ang bibilangin ko, tuluyan na siyang mapapasaakin. Wala siyang ka-ide-idea na last year ko pa nasabi sa kanyang mga magulang ang tungkol sa amin. Hinarap ko ang galit nila gaya ng pagharap ko sa galit ng mga magulang ko. It was so hard for my dad and my other father to accept my decision. But at the end of all the dramas, natanggap din nila ako. Facing Tito Ryan and Tita Aniq was a lot more harder. Nung una pinagtawanan pa ako ni Tito Ryan. But when I told him na nagsasama na kami ni Robby na tila mag-asawa mula pa noong 16 siya, he gave me a very good punch on the face. Tita Aniq cried hard. Pero gaya ng mga daddies ko, natanggap din nila ang namamagitan sa amin ni Robby when I told them that I intend to marry him. Tito Ryan said that he'll accept my proposal if Robby would. I agreed. Kaya naman ang lahat-lahat ngayon ng tungkol sa amin ay nakasalalay na sa magiging desisyon ni Robby. I was hoping na sa loob ng anim na taon na pagsasama namin ay tuluyan niya nang natanggap na parte na ako ng buhay niya. Na kahit papano naman ay napasok ko na ang puso niya. That like me, he's also looking forward to living the rest of his life with me. Hindi lingid sa akin na masyado akong naging possessive noon sa kanya to the point of obsession. Aminado ako na ginawa ko ang lahat para sa akin siya bumagsak, para walang ibang makakaangkin sa kanya at magmamay-ari sa kanya kundi ako lamang. Tiniyak ko that as he grew older, naroon lang ako sa tabi niya. During his last year in college, hindi ko na siya masyadong hinigpitan. Hinahayaan ko na siyang magdesisyon para sa ikabubuti niya. Ipinakita ko sa kanya na mahal ko siya at kayang-kaya ko siyang alagaan at ipaglaban. Aside from going against or out of our so-called relationship, wala naman na kaming naging problema. All was well between him and me. And umaasa ako that when I propose to him right infront of our family and friends, sasagutin niya ako ng 'Oo'. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang kinakapa ko ang kahita ng singsing sa aking bulsa. Hindi ko na mahintay na maisuot 'yun sa daliri niya. Hindi ko na mahintay na ipangalandakan sa lahat na ako ang nagmamay-ari sa kanya. I can't wait for him to be engaged to me, to be married to me and for him to be called Mr. Pierre Robert Salvador Vladimier. I love Robby. Kinalimutan ko ang pride at sarili ko para sa kanya. Isinantabi ko ang responsibilidad ko sa aking pamilya para sa kanya. Nanindigan ako para sa kanya, para sa relasyon naming dalawa. Nanatili ako rito sa Martenei University dahil ayokong malayo sa kanya. Lahat ng mga naging desisyon ko sa aking buhay ay konektado sa kanya. Bago ang sarili ko ay isinasalang-alang ko muna siya. Kung hindi pagmamahal ang tawag doon, ano? Katangahan? Kalokohan? Kabaliwan? Basta ako, isa lang ang dahilan ng lahat ng iyon. Mahal na mahal ko si Robby. Nang makita kong bumaba na siya mula sa stage ay umalis na ako. Hindi ko na hihintayin pang matapos ang programa. Naglakad ako papunta sa 7 Demons building. Binabalik-balikan ko ang minemorya kong speech para sa gagawin kong proposal sa kanya. It's a 7-minute speech na isang daang ulit ko na atang rinevise para lang maayos kong mailahad ang nararamdaman ko sa kanya at ang kagustuhan ko na humarap kami sa Diyos at sa lahat bilang magkabiyak ng dibdib. Kahit na siguro sabihin ng iba na korni ang mga salitang gagamitin ko, okay lang. Basta ba lahat ng mga salitang sasabihin ko ay didiretso sa puso ni Robby. I waited until everyone has settled down. Joint celebration ito ng graduation nina Robby, Jessie at Zeke that's why narito rin ang kani-kanilang pamilya. Narito rin ang pamilya namin para makipagsaya. Nagsama-sama ang una at ikalawang henerasyon ng 7 Demons. It's like a grand reunion for all of us, too. At ito ang sandaling pinakahihintay ko. Ang gawing saksi ang lahat para sa gagawin kong pagpopropose kay Robby dahil gusto ko na malaman nila na gaya nina Tito Marcus at Tito Francis, nina Jai at Zeke, at Jayson at Jessie, may isang pares pa na handang hamakin ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. I waited patiently for my time. Pinilit ko ang mag-enjoy sa pakikinig sa mga speeches ng mga magulang ng mga nagsipagtapos. Ngunit ang totoo, habang tumatagal ang paghihintay ko, lumalakas nang lumalakas ang tadyak ng puso ko sa kaba, sa excitement, sa saya. Ilang oras na lang, magiging opisyal na kami ni Robby sa aming mga pamilya. Nang lumingon ang lahat sa akin pagkatapos akong tawagin ng emcee ay nanginginig ang mga tuhod na tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Ilang ulit akong huminga nang malalim bago ako buong angas na naglakad. I held on the ring inside my closed hand. Paulit-ulit kong sinasambit ang paulit-ulit na ibinibilin sa akin ng mga magulang ko. I am a bloody Vladimier. I am proud, I am strong. Ngunit nang nasa harapan na ako ni Robby, halos mabingi na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. I looked at Robby. Magkadikit na magkadikit ang mga kilay niya. Wala siyang kangiti-ngiti. Ngunit kahit ganun, for me he's still the handsomest man breathing. I found my self kneeling on the floor, looking up at him. I opened my hand and showed him the ring. Pinilit kong alalahanin ang 7 minute speech na halos ilang buwan kong minemorya but damn, only a few words remained stuck on me right now and I had no choice but to voice them out. "All my life, I have never loved someone as much as I love you. Pierre Robert Salvador, will you spend the rest of your life with me?" I intently looked at him. I let my love for him reflect in my eyes. He opened his mouth and I felt the world stopped moving when he answered. . . . . . ... "Shit. Hahahahahaha! Hahahahahahaha!" I was laughing my ass out, really laughing my ass out. I wiped away the wetness off my face. They are my damn tears. "Fuck," I uttered as another batch of tears started blinding my vision. But before the bitter tears could fall, I forced my self to laugh again. "Hahahahaha! Hahaha! D-damn it." Itinakip ko ang nakakuyom kong kamao sa bibig ko para hindi umalpas ang iyak na hindi ko na kayang pigilan pa. Kanina ko pa pilit na itinatawa lang ang lahat. Umaasa na sa pamamagitan nun ay mapipigilan ko ang sarili kong umiyak. Ngunit gaya ni Robby na pinutol na ang koneksyon naming dalawa, tuluyan na ring naputol ang pisi ng pagpipigil ko. "You're fucking insane, Ivory. F--fucking... insane." I told my self as I cried as silently as I can. Fuck. I can't believe na darating ang time na iiyakan ko si Robby or rather, iiyakan ko ang naging kasagutan niya sa proposal ko. Yeah. He said no. He told me, why would he accept my proposal if all the time that we were together, ang tanging ginusto niya lang ay ang makalayo at makawala mula sa akin. That was fucking humiliating. Those were the most hurtful words I've heard from him. And knowing that he never loved me was the most painful thing I've realized. I couldn't remember how I stood up and how I walked away from him. But I would always remember the look of disgust he has given me. I would always remember the look of pity from my friends. I would always remember how his parents looked at me blankly, how my parents looked at me with pain in their eyes knowing that during that moment, I was in so much pain, too. I drove my car away from the party, away from Martenei, away from them all. I just wanted to be alone right now. At narito ako ngayon sa isang bar two towns away from where I came from. Nagpapakalasing. Hoping that when I got drunk, I could easily accept what just happened. Ilang oras na ba ako rito? Ilang bote ng alak na ba ang nainom ko? Siguro tapos na ang selebrasyon. Siguro, nakarating na sina Jai sa Japan. Siguro nagpapakasaya na si Robby ngayon dahil ang pagtanggi niya sa proposal ko ang susi upang matapos na ang relasyong meron kami. Is he happy right now? "I love you, Robby. Minahal kita. At hanggang ngayon, kahit ipinahiya mo ako sa lahat, kahit tinanggihan mo ako, mahal pa rin kita. At hindi ko mapapayagan ang gusto mo. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin nang tuluyan!" Tumayo ako kahit na umiikot na ang paligid ko. May mga umaligid sa aking mga waiters para marahil alalayan ako pero itinulak ko sila palayo. "Dammmn! G-gabi na... p-pa--la..." I slurred. "Sir, ihahatid na po kita." Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na 'yun. Malabo ang mukhang nakita ko pero nakilala ko ang kanyang kasuotan. Guwardya siya ng bar. "Ka--kaya ko!" Hinablot ko mula sa kamay niya ang susi ng kotse ko. Pabara-bara akong pumasok sa kotse ko at parang makikipagkarerang pinaandar ito. Pagewang-gewang ang kotse ko sa maluwang na kalsada. I wasn't aware of it. Ang tanging nasa isip ko ay ang makauwi agad, ang makita si Robby, pigilan siya kung sakaling sasama siya sa kanyang pamilya pabalik sa America. Napatingin ako sa kamay kong mahigpit na nakahawak sa manibela. I squinted my eyes at the ring on my finger. "Mamaya... ma--maya isusuot kita k-kay Rob--by. Pa--pangako ko 'yan," Pagkausap ko rito. Tinitigan ko ito nang matagal bago ko ibinaling ang mga mata ko sa harap ng sasakyan. Napapikit ako sa sobrang liwanag na sumalubong sa aking mga mata. Biningi rin ako ng napakalakas na busina ng sasakyang pasalubong sa kotse ko. I automatically turned the steering wheel to the right hoping that I made the right decision. I opened my eyes and never had the chance to close them again as my car crashed on the large bark of a tree. .... "R-r--rob...by." "Ivory, anak!" I heard my mom's voice. She was crying so loud. "M--ma...?" My throat hurt but I was able to produce a sound. Napaungol ako nang manuot sa buong katawan ko ang sobrang sakit. Naaalala ko na. I met an accident on my way home. "Oh, my God! Anaaak ko!" Muling humagulgol ng iyak si Mommy. May naramdaman akong humaplos sa aking balikat. From the feel of the hand, I knew it was my father. "D-dad?" Naramdaman ko ang pagpisil niya sa balikat ko. I tried to open my eyes ngunit kadiliman ang sumalubong sa akin. Ilang ulit akong pumikit at nagmulat ng mga mata pero ganun pa rin. Madilim. Wala akong nakikita! "Anak! 'Wag ka munang gumalaw." Narinig ko ang boses ni Papa Summer ngunit binalewala ko iyon. Kahit gaano kasakit, itinaas ko ang kamay ko upang kapain ang mga mata ko. Sobrang takot ang naramdaman ko nang makapa kong may balot ang mga iyon. "Dad...?" I didn't want to show my parents that I can be weak pero sa sitwasyon ko ngayon, walang sinuman ang hindi matatakot. "May mga nakapasok na bubog sa mga mata mo, Ivory. And nasugatan ng mga iyon ang ilang parte ng mga mata mo leaving you..." "... blind." Pumiyok ang boses ni Daddy. Malakas naman ang naging paghagulgol ni Mommy sa sinabi ni Dad. I even heard Papa curse. Namamanhid naman ang buong katawan ko. Nanlalamig. Naninigas ang mga kalamnan ko. Ayaw maproseso sa utak ko ang sinabi ng aking ama na bulag na ako. I wanted to cry. I wanted to scream. I regret waking up. Paano na ako ngayon? Paano pa ako mabubuhay kung wala na akong nakikita? Paano ako magtatrabaho? Paano ko pa makikita ang mga taong mahal ko kung bulag na ako? I need Robby right now. "Dad, si Robby? I want him here. I wanna talk to him. Please, papuntahin n'yo siya rito," pakikiusap ko sa mga magulang ko. "Dad...?" Muli kong tawag nang walang sumagot sa akin. "Sa isang linggo mo rito, isang beses lang siyang dumalaw sa'yo." Bumaling ako sa direksyon ng boses ni Papa. Isang linggo na pala mula nang maaksidente ako. Pain crept into my heart sa sinabi niyang minsan lang ako nadalaw ni Robby. "Pa, baka busy lang siya sa pag-aasikaso sa parents niya. Please, Pa. I need him with me right now," pag-uulit ko sa pakiusap ko. "Ivory, gustuhin man naming dalhin siya sa rito, we can't," sagot niya sa pagmamakaawa ko. Tila ako lobo na unti-unting nawawalan ng hangin sa naging sagot niya. "W--why?" mahina kong tanong. Nanhahapdi na ang mga mata ko, ang lalamunan ko, ang dibdib ko. Pati ang mga sugat ko ay nagsisimula nang manakit. "I'm sorry, son. Pero sumama na siya sa pamilya niya pabalik sa States two days ago." Napapikit ako nang mariin upang mapasigaw sa sakit. "ARGH!!!" I screamed painfully. My salty tears are hurting my eyes. Tila sila mga karayom na sabay-sabay na tumusok sa mga mata ko. "Ivory!" Sabay-sabay na sigaw ng mga magulang ko. Agad nila akong dinaluhan habang pinipilit kong tanggalin ang telang nakatakip sa aking mga mata. I wanted to scratch my eyes to make the stinging pain go away. "Argh! Ansakit ng mga mata ko, Ma! Ansakit!" muli kong sigaw. Naramdaman ko ang pagyakap nila sa akin, ang pagpipigil nila sa kamay ko. Naririnig ko ang pag-iyak nang malakas ni Mommy, ang pagpiyok ng mga boses nila Daddy at Papa habang tinatawag nila ang pangalan ko at sinasabing huminahon lang ako. But how? How could I calm down knowing that I am blind now and Robby left me? As if a miracle happened, unti-unti akong nanghina. Unti-unting nawalan ng lakas ang katawan ko. Unti-unting nawala ang sakit na bumabalot sa akin kani-kanina lang. Naramdaman ko ang paghaplos ni Mommy sa buhok ko pati na rin ang mga kamay nina Papa at Daddy na humahaplos sa mga braso ko. "Sleep, anak. Tomorrow, everything's gonna be alright," Daddy whispered to me. No, dad. Starting at this very hour, everything is hell to me. I whispered on my mind as I let sleep take over my consciousness. ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD