Ezra Jubas

1088 Words
Kasabay namin yung lalaki palabas sa loob nang pamilihan, Pagkadating sa labas pumara ito nang trysicle na kinatanginan namin ni Carmen' Pati si Nanay napansin ko din na napanganga. Si Carmen naman ay naririnig ko nang tumatatawa sa tabi ko. Pagkadating nang trysicle sa tapat namin sumakay na agad si Carmen sa loob na natatawa pa din' si Nanay naman napatingin muna sa akin at sumunod na sa pinsan ko na nakaupo sa loob. Dahil may dala si Nanay at hindi na kami kasya sa loob pumwesto na lang ako sa likod nang driver at siya naman upo din nang lalaki. "Ipagpaumahin mo hindi ko kasi dala ang kotse ko sa kadahilanan na gusto kong makita ang hinahanap ko" Narinig ko na sabi niya' na itinapat niya sa tenga ko ang labi niya dahil batid siguro niya na hindi ko siya maririnig dahil sa ingay ng trysicle na nag-uumpisa ng lumayo sa pamilihan. Hindi na lang ako sumagot. Tahimik kami na bumibiyahe hindi ko siya tinitignan dahil pakiramdam ko nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa asul na mata niya' Dahil siguro bibihira ako makakita ng ganuon na mata dito sa aming lugar. Pagkadating ng trysicle sa tapat ng bahay namin agad ako bumaba ganuon din ang lalaki. Siya na din ang nagbayad ng pamasahe sa trysicle. "Iho' gusto mo ba pumasok muna?" Tanong sa kanya ni Nanay. Tumingin muna siya sa akin. "Kung ok lang po ba" Sagot niya naman. "Pero iho' ano ba pangalan mo? naihatid muna kami pero hindi pa namin alam ang pangalan mo" Sabi sa kanya ni Nanay. "Ako po pala si Ezra Jubas" Nakangiti niyang lahad nang kamay kay Nanay' agad naman itong tinangap ni Nanay. "Carmen" Nakangiti din na lahad ni Carmen nang kamay niya dito. Sa akin naman napatingin ang lalaki na nakalahad ang kamay na nakangiti. "Gladys" Lahad ko na rin nang kamay ko sa kanya. Ang lambot nang kamay niya para pa ako nahiya sa kamay ko' kaya agad ko itong kinuha sa kanya. "Oh siya Pasok na tayo sa loob" Biglang salita ni Nanay. pagkadating sa loob pinaupo ko siya sa bakanteng upuan. "Carmen' Gladys' kayo na bahala sa kanya ha' may gagawin lang ako sa kusina" Pagpapaalam sa amin ni Nanay bago siya pumasok sa loob ng kusina. Naupo kami ni Carmen sa bakanteng upuan na nasa gilid lang din niya. "Ezra kanina kasi nakita Kita duon sa bago lumabas ng kanto namin' na nakatayo at maraming tao na nakatingin sayo tapos ang bilis mo nakaakyat ng puno" Sabi sa kanya ng pinsan ko' na napatingin naman siya sa akin. "May hinahanap lang kasi ako" Matipid na sagot niya'. "Ganoon ba? kasi yung mga tao akala nawawala ka o kaya nababaliw? at ngayon lang din kasi sila nakakita ng katulad mo na parang hindi tagarito" Sabi parin ni Carmen sa kanya. "Ganoon ba? pasensya na matagal din kasi bago ko natutunan kung paano kumilos at makipag usap dito sa mundo ninyo" Nakita ko na napanganga si Carmen sa sagot niya' kahit ako ay naguluhan sa sinabi niya. Napansin siguro niya ang pagkalito sa amin dahil sa sinabi niya. "Ang ibig kong sabihin bagong salta lang kasi ako dito" Bigla niyang sabi na lang' na napakamot sa ulo niya na nakangiti. "Ahh ok taga maynila ka siguro" Nakita na lang namin ang pagtango niya'. Pagkalabas ni Nanay may dala na itong kape at tinapay na inabot naman niya kay ezra. "Pasensya kana diyan iho' ha" "Salamat po" Nakangiti niya na sagot kay Nanay. "Maiwan ko na muna ulit kayo dito' at hahanapin ko lang ang tatay mo gladys" Lingon niya' na sabi sa amin' Naiwan ulit kaming tatlo. dahil mausisa ang pinsan ko nagtanong pa din siya kay ezra na laging napapatingin sa akin. "Ezra ilang taon kana?" Parang ang lalim ng iniisip niya bago sumagot. "27" Tipid na sagot niya. "Saan ka nakatira?" Siniko ko na ang pinsan ko' dahil masyado na itong matanong. "Sa ikatlong baryo kakalipat ko lang din duon dahil panglima ko na iyon na tirahan" Sagot niya sa Tanong ng pinsan ko. "Bakit palipat lipat ka ng bahay?" Tanung ulit ng pinsan ko' kahit ako nagtaka sa kanya. inisip ko na lang baka sa klase nang trabaho niya. ."Dahil kasi may hinahanap ako' at dito sa lugar na ito ang huling pag asa ko" Seryoso niyang sabi ulit. "Diba sabi mo may pupuntahan ka dito sa lugar namin?" Ako naman ang nagtanong' dahil naalala ko' kaya nga niya kami hinatid dahil may pupuntahan din daw siya dito. "Nakita ko na siya" Sagot niya sa mahinang boses' pero narinig pa rin namin siya. "Talaga?" Tanong nang pinsan ko sa kanya' na siya naman Pasok ni Nanay at Tatay. "May bisita pala tayo" Nakangiting Sabi nang tatay ko. "Opo tito siya po si Ezra binili po niya lahat nang paninda ni tita' at hinatid na din po kami dito" Sagot nang pinsan ko. "Magandang hapon po" Bati niya sa tatay ko' na kinatango lang ni tatay at ngumiti. pumasok na sila ni Nanay sa kuwarto' pero nagbilin muna si Nanay na magluto na lang kami para sa hapunan mamaya. Nagpaalam na din si ezra' dahil may kailangan daw siyang puntahan. Pero sinabi niya na babalik siya' kaya nagtaka ako bakit pa siya babalik. Hinatid namin siya ni Carmen hangang sa sakayan nang trysicle. Pagkaalis nang trysicle biglang lumakas ang hangin at sinabayan nang paglagasan ng mga dahon sa kabilang bahay at nilipad. "Hala may paparating pa ata na bagyo pinsan" Sabi ni Carmen' nang tuluyan ng nakalayo ang trysicle na sakay si Ezra tumalikod na kami para umuwi. Pero nagulat ako sa nakita ko sa kabilang gilid ng kalsada' dahil yung babae na nakatalukbong ang ulo niya na may ari ng mga baraha sa pamilihan ay nasa gilid na nakatingin sa amin. "Pinsan yung ale na may ari ng mga baraha sa pamilihan oh?' Sabi ko sa kanya at sabay turo kung saan direksyon. "Oo nga siya nga' tara puntahan natin" Pag aaya niya sa akin' pero ako ayoko, dahil naalala ko ang blanko na mata niya na nakita ko' pero nahila na ako nang pinsan ko patawid sa kabilang kalye papunta sa babaeng nakatayo. "Ale Saan po ang punta ninyo?" Tanong nang pinsan ko' pero ako nanatiling nasa likod lang niya' dahil naalala ko pa din yung hindi sinasadya na pagsalubong ng mata namin. "Nagtagumpay siya na makita ka' nalagpasan niya ang unang pagsubok" Iyon lang ang sinabi niya ata agad na siyang tumalikod sa amin palayo..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD