CHAPTER 22 Jehiel's P. O. V "Jehiel, alam mo namang gipit pa rin ang tito po sa trabaho niya, hihingi sana ulit ako ng limang libo," sabi ni Tita habang nag wawalis ng apartment ko. Pag-uwi ko ay narito na naman siya. Wala naman akong magawa, alam kong malaki naman ang kita ko buwan-buwan at wala naman akong plano sa buhay ko lalo na't wala na si Zahra. "Heto po," sambit ko sabay abot ng perang hinihingi niya. Napaupo ako sa kama na pinalitan pa ni Tita ng bedsheet. Ngayon naging responsibilidad ko ang pamilya niya, kahit ba highschool niya lang ako pinag-aral. Hindi ko pa rin makakalimutan ang pang-aabuso sa 'kin ni Tito noon. Heto hanggang ngayon hindi siya nagpapakita sa 'kin at si Tita lang palagi ang pumupunta dito. "Nagluto ako ng biko kanina at dinalhan kita, lumam