Chapter 3

2320 Words
Maaga akong binulabog ng kapatid ko sa kwarto ni Rianne para sabihing uuwi na kami. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa dami ng alak na nainom ko. Hindi ko na matandaan ang mga ginawa ko -- kung meron man. Basta ang alam ko, nainip ako sa kahihintay sa reply ni Jarred. "Hindi na ba kayo kakain?" Tanong ni Tita Malou nang magpaalam kami na uuwi na. Hindi na namin ginising 'yung mga pinsan namin na hanggang ngayon ay nakahandusay sa kama. Hindi ko na rin namalayan na nagsi-uwian 'yung mga kaibigan namin kagabi. Mabuti nalang at hindi masyadong masakit ang ulo ko kaninang pag-gising ko. "Hindi na po, Tita. Sa bahay nalang. Pakisabi nalang po na umuwi na kami." Paalam ko saka bumeso sakanya. "Pakisabi na din po kay Tito." Tumango ito. "Mag-ingat kayo. Qino, drive carefully," bilin ni Tita dahil alam din niyang balasubas 'tong pamangkin niya. "Will do, Tita. Una na po kami." Paalam din ni Qino. Sabay kaming lumabas ng bahay nang kapatid ko. Hindi na kami nagpahatid pa sa labas. Tinanguan ni Qino 'yung mga guard nina Tito na nakabantay sa may gate saka pinindot ang alarm ng sasakyan niya. Binuksan ko ang pintuan sa backseat ng Ford Everest Titanium niya, at sasakay na sana nang bigla siyang magsalita kaya natigilan ako sa pagpasok sa loob. "Ano ako, driver mo?" Masungit niyang sabi habang nakatingin sa akin. "Dito ka sa tabi ko." Tinuro niya ang katabing upuan sa harapan. Padabog kong sinarado ang pintuan at umirap. "I want to sleep," pahayag ko nang makasakay na ako sa front seat. Hindi niya ako pinansin at pinaandar na ang sasakyan niya paalis. "Nauna na daw sina Mommy sa church. Sunod nalang tayo do'n." Pahayag ng kapatid ko habang nagma-maneho. "Daan muna tayo sa bahay. Magpapalit ako ng suot," wika ko habang nakapikit. Hindi ko na din inabala ang sarili ko na tignan siya. Gusto ko pa talagang matulog ngayon. Maaga pa naman at 7am pa lang 'yung start ng mass. Pwede pa nga kaming maki-kain muna kila Rianne, pero dahil nagmamadali 'tong kapatid ko, hindi na kami kumain pa. Tsaka, pangit naman tignan kung didiretso kami sa simbahan nang naka shorts at sweater 'yung suot. Nakaligo na din naman na ako kaya 'yung suot ko nalang 'yung papalitan ko. Bigla kong naisip si Jarred. Mabilis akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa labas ng bintana. Hanggang ngayon talaga ay wala siyang reply sa text ko sakanya. Baka iniisip niya na masyado akong naging usisera sa naging tanong ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng sweater ko at chineck kung nag-send nga ba 'yung text ko sakanya kahit na alam kong nagsend naman. O baka mali-mali na 'yung text ko kagabi. Bumuntong hininga ako nang makita ko na wala namang problema sa tinext ko sakanya. Maayos naman 'yung pagkaka type ko at sigurado ako na na-receive niya. Baka ayaw lang talaga niyang sabihin dahil sa tingin niya ay napaka-tsismosa ko. Ibinalik ko ang phone ko sa bulsa saka itinaas ang dalawang paa sa dashboard. Napatalon ako nang biglang tumunog ang phone ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagsulyap sa akin ng kapatid ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa at lihim na ipinanalangin na sana ay si Jarred ang nag-text at sana ay matuwa ako sa reply niya. Malakas akong napabuntong hininga at nakaramdam ng kaunting disappointment nang makita ko kung sino ang nag-text. Princess Goodmorning, Aisla! Gising na ba kayo? Agad akong nag-type ng reply ko sakanya kahit ang totoo ay ayoko ng mag-reply pa. Oo. Pauwi na kami. Muli akong pumikit pagka-send ko ng reply sakanya. Mabilis naman itong nag-text ulit. Minsan, kaya ayoko ng mag-reply sa mga nagte-text ay dahil alam kong hahaba lang ang usapan. Nakuha ko ang ugali ni Qino na tamad minsan mag-reply. Kasama mo ang kapatid mo? Sino pa ba ang kasama kong uuwi kung hindi siya? Tsk. Nag-reply ako ng 'oo'. Agad ulit siyang nag-reply. Aisla, pwede favor? Tulungan mo naman ako sa kuya mo, oh? Gusto ko kasi talaga siya, eh. Tanong mo kung may dine-date siya ngayon. Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa text niya. Really? Like really? Siya pa talaga 'yung gagawa ng move para sakanila? OMG! Napa-iling nalang ako. Kahit naman gustong-gusto ko si Jarred, hindi ako humingi ng tulong sa iba para lang makuha 'yung atensyon niya. Ganoon na ba kalakas ang tama ni Princess sa kapatid ko? Tsk. Gusto kong sabihin na hindi interesado si Qino sakanya, pero baka ma-offend ko siya. Nag-reply ako ng 'sige' at nag-thank you siya. Okay. Tignan ko kung anong magagawa ko. "Qino, may dine-date ka ba ngayon?" Tanong ko sa kapatid ko. Hindi ko siya tinatawag na kuya kapag kami kami lang. Okay lang naman sakanya dahil hindi naman masyadong malayo ang agwat ng edad namin sa isa't isa. Maiinis lang siya kapag tinawag ko siyang 'Kuya'. Kapag lang naririnig ng mga magulang namin, doon ko lang siya tinatawag na Kuya. Bigla itong napalingon sa akin habang naka-kunot ang noo. "Why are you asking me that?" Takhang tanong niya. "Well, kasi si Cess — Princess, pinapatanong niya. She likes you. A lot," sabi ko. Alam naman niya na gusto siya ni Princess kaya hindi ko na kailangang magpaligoy-ligoy pa. "Princess -- 'yung kulot?" Tamad niyang sabi. Umirap ako. Hindi talaga siya interesado. "Hindi! 'Yung medyo matangkad na maputi. Si Layla ang tinutukoy mo, eh. So, ano? May dine-date ka ngayon?" "Do you want me to date her?" Tanong niya habang nililiko ang sasakyan papasok sa kanto ng subdivision. Diretso lang itong nakatingin sa daan. "Why not? Kung wala ka naman dine-date ngayon, 'di ba?" Wika ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Kinausap ka ba niya tungkol dito?" Taas kilay niyang tanong saka ako binalingan ng tingin. Umiling ako. "Kusa akong nag-offer. Princess is a nice girl, Qino. Masaya siyang kasama. Plus, she's pretty enough for your taste." Nakangiti kong sabi. Tumango-tango ito. "Do you like her for me?" Tanong niya habang nakangisi. Nabura ang ngiti ko sa labi saka siya matamang tinignan. "Honestly, no." Iling ko. "I like her, yes. But not for you. I know your games, bro. You play dirty!" Singhal ko saka umirap. "Ito lang, ah? Mabait si Princess at masayang kasama. Huwag mo lang sana siyang isama sa mga harem of girls mo." Tumawa siya at inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay. "Pumayag na ba akong makipag-date sakanya?" Lumingon ito sa akin at itinaas ang mga kilay bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Ngumiwi ako saka na sumunod sakanya. Dumiretso ako sa kwarto ko at mabilis na nagpalit ng suot. Hindi ko alam kung magdi-dress ako o pants nalang at t-shirt. Naco-concious na naman kung ano ang isusuot ko dahil nandoon si Jarred. Pero hindi ako pupunta ng simbahan para sakanya kaya napag desisyonan ko na mag-skinny jeans at halter top na pinantungan ko ng cardigan. Inilugay ko nalang ang buhok ko saka na lumabas. Tumungo ako sa kusina dahil naririnig ko ang kasambahay namin na kausap ang kapatid ko. "Kumain ka muna, Aisla," ani Yaya. Umupo ako sa upuan kaharap ni Qino na abala sa pagkain. Nakapag-palit na din siya ng suot. Naka-dark blue polo shirt siya at jeans. "So... ano? Ayaw mo talaga?" Tanong ko habang patungo kami sa Saint Paul church. "Ayaw ang alin?" Tinignan niya ako nang may pagtatanong. Napa-face palm nalang ako. "Date! Si Princess!" Iritado kong sabi. Kinuha ko ang phone ko saka binuksan ang social media application ko. Makapag-update na nga lang ng status ko. Last month pa yata 'yung last post ko. Nag-type ako sa status bar pero binura ko din agad dahil nagbago ang isip ko at wala akong alam na ipo-post ngayon. Ayoko naman i-post kung saan ako pupunta. Nag-scroll nalang ako sa newsfeed ko. Puro mga quotes at pictures lang ang nakikita ko. Ni-heart ko ang mga bagong profile picture ng mga kakilala ko. Napanganga ako at napamura sa isip nang makita ko ang bagong status update ni Jarred Castillo. Jarred Daryl Castillo: Lost my phone, guys. Delete my digits. An hour ago na 'to. At madami din ang mga nag-comment. Halos mga babae. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano. Kaya pala hindi siya nagre-reply! Akala ko ay ayaw lang talaga niyang sabihin sa akin kung sino! Bigla akong napangiti. "Kailan ba?" Biglang tanong ng kapatid ko. Kumunot ang noo ko at nagtakha. Pero nang maalala ko 'yung usapan namin tungkol kay Princess ay nakangiti akong tumingin sakanya. "Ikaw bahala. You should ask her out. Alangan naman siya pa ang mag-aya sa'yo, 'di ba? May number ka naman niya," pahayag ko. Nakaramdam ako ng excitement na makita si Jarred ngayon. Nandoon na kaya sila? Kung tanungin ko nalang kaya siya ng personal kung kanino dapat siya manliligaw? "Alright," tipid niyang sabi. Natuwa ako. At least, hindi na ako guguluhin ni Princess dahil sakanya. Nang makarating kami sa simbahan ay kaagad hinanap ng mga mata ko si Jarred. Madami na din ang mga taong nagsisimba. Agad akong hinila ni Qino patungo sa upuan kung nasaan ang mga magulang namin. "Akala ko hindi kayo makaka-abot," ani dad. "Sorry po." Ngumiti ako saka tumabi kay Mommy. Hindi napirmi ang ulo ako at palinga-linga ako sa kaliwa't kanan para hanapin si Jarred. Baka sa kabilang side sila ng simbahan naka-upo. Hindi ko naman siya ma-text kung nasaan siya dahil nawala ang phone niya. Swerte nung nakapulot. Ang dami niya sigurong pictures doon. Ilang minuto pa ang dumaan nang mag-umpisa na ang mass. Siniko ko ang kapatid ko na nasa tabi ko dahil pumipikit-pikit na ang kanyang mga mata niya. Nagigising naman siya at pilit nagmumulat ng mga mata. Palipat-lipat naman si Dominic na hindi din mapirmi at ang likot-likot niya. "Dominic," suway ni Daddy saka niya ito ini-upo sa lap niya, pero nagpumiglas siya at umalis sa pagkakahawak ni Daddy. Ilang beses din siyang sinuway ni Mommy pero hindi siya nito pinapansin. "Dom, behave!" Suway ko nang mairita na ako. Ilang beses niyang naapakan ang puting sapatos ko at ilang beses ko ding inalis ang dumi dahil padaan-daan siya sa harapan ko. Hindi din niya ako pinansin kaya hinayaan ko nalang siya. Lumapit siya kay Qino at nagpabuhat. Agad naman niya itong binuhat para matahimik si Dominic. Sa totoo lang ay parang anak ni Qino si Dominic dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Minsan ay sabay pa silang naliligo. Nang sabihin ng pari na mag-peace-be-with-you ay nakangiti akong nag-peace-be-with-you sa mga magulang ko, kay Qino na mabilis na nag-iwas ng tingin, kay Dominic na malikot, at sa mga tao sa harapan namin pati sa likod. At nang paglingon ko sa mga naka-upo sa kabilang row ay mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makita si Jarred na nakingiti sa akin. Nag-bow ako ng ulo sakanya while mouthing 'peace-be-with-you'. Ganoon din ang ginawa niya. Parang lumundag ang puso at bigla kong nakalimutan na may iba na pala siyang gusto. Ang gwapo talaga niya kahit saang anggulo. Natapos ang misa at hinaayan muna namin ang mga ibang tao na makalabas ng simbahan. Nakipag-usap na din muna ang mga magulang ko sa mga kakilala nila, habang ako naman ay pangiti-ngiting nakikipag-titigan kay Jarred. "Mom, we'll wait outside." Paalam ni Qino kaya napatingin ako sakanila. Tinuro niya si Dominic na hinihila na siya palabas. Tumango si Mommy at Daddy. "Sama na ako, My." Sabi ko saka sumenyas kay Jarred na lalabas na. Tumango naman ito sa akin. "Buy me a cotton candy, Kuya!" Wika ni Dom habang naglalakad kami palabas. Nakahawak pa siya sa kamay ni Qino. "Okay. What color?" Tanong naman ni Qino. "Blue!" Dominic answered enthusiastically. Lumingon ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang pagsabay ng isang tao sa lakad ko. "Hey." Ani Jarred habang nakangiti. "Anong oras kayo natapos kagabi?" Tanong pa niya. Nilingon kami ng dalawa kong kapatid na nauunang naglalakad sa amin. Kumunot ang noo ni Dom nang makita si Jarred saka tumingin kay Qino na nagkibit-balikat naman. "Hindi ko na matandaan, eh," tugon ko. Hindi ko sasabihin na nalasing ako dahil nakakahiya iyon. "Nawala 'yung phone mo?" Tanong ko. "Ah, yup. Kaninang umaga ko lang napansin na nawawala pala." Tumawa ito. And I swear, iyon na ata ang pinaka-magandang tawa na narinig ko. "Bili lang kami." Tamad na sabi ni Qino. Tumango ako at pinanood silang tumungo sa nagtitinda ng cotton candy sa harap ng simbahan. Tumatalon-talon pa sa tuwa si Dominic. "Ang cool sigurong maging kapatid ni Qino, 'no?" Biglang sabi ni Jarred habang sinusundan din ng tingin ang mga kapatid ko. "Oh? Paano mo nasabi?" Tanong ko. Cool siya kung cool. Pero minsan ay sumosobra siya sa pagiging protective. Lahat naman ng mga pinsan kong lalaki ay ganoon sa aming magpipinsan na babae. Pero minsan ay medyo nakaka-inis din. Nakakasakal. Noong nalaman nga nilang nabuntis si Diana ay halos patayin nilang lahat si Liam sa suntok. Mabuti at naintindihan ni Liam ang galit nila sakanya. Though 'yung mga magulang ni Liam ay nagalit dahil sa ginawa nila sa anak nila. "Just... parang spoiled sakanya 'yung bunso niyong kapatid, eh," aniya. Tumawa ako. "Oo. Mas nagkakasundo silang dalawa sa lahat ng bagay," sang ayon ko. "Uh, Jarred..." usal ko. Nilaro ko ang mga daliri ko sa kamay dahil kinakabahan ako. Itatanong ko na sakanya ngayon kung kanino dapat siya aamin. Tatanggapin ko naman kung hindi sa akin. Pero sana... sana talaga, ako nalang. Sa akin nalang. "Hmm?" "Uh... um... 'di ba, sabi mo aamin ka pa lang do'n sa gusto mo? Sino ba 'yun?" Alangan kong tanong. Muli kong narinig ang napaka-ganda niyang tawa. "Curious ka din, ano?" Sabi niya nang may pang-aasar. Ngumuso ako. "Ikaw ang unang makaka-alam kapag naka-amin na ako sakanya." Malapad itong ngumiti sa akin. Kinumbinsi ko ang sarili ko na ngumiti pabalik sakanya habang may parang tumutusok sa likuran ko patungo sa puso. Parang ayoko nalang malaman kung sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD