William I: A short glimpse

2176 Words
2015, Zamboanga Marahang katok sa pinto ang nagpamulat kay Shinna mula sa pagkakapikit habang nagbabad sa bathtub. Itinaas ang kamay at hinayaang umagos ang gatas mula sa daliri. Yes, she is literally bathing in fresh milk. She started having this routine since whoever knows. Kinamulatan na niya ang ganuon glamorosong rutina tatlong minuto kada araw bago literal na maligo. Minsan pa nga ay ibinababad pa siya ni Eva sa salt bath. Pero ngayong araw ay mas nagtagal siya sa loob ng banyo kaya siguro nangangalampag na ang babae sa labas.  Hindi niya ito pinansin at lalo pang inilubog ang sarili hanggang sa mata nalang ang nakalitaw  The woman is her personal governess sa kabila ng sampung taon lang ang tanda nito sa kanya. She's been teaching her personal grooming and some other things since she was ten. And she is turning twenty next month. "Twenty." She murmured in the wind as she closed her eyes again. There is something about that specific number that scares her. Isang beses ay narinig niya si Eva sa kabilang pinto ng pinagpipirmihang kwarto habang kausap ang mga lalaking nakabantay doon. “Aanihin na siya pagdating niya ng bente anyos kaya malapit na tayong makalaya.” Aanihin? Nino? Her abductor? Ang taong nagkulong sa kanya sa toreng tinirhan ng mahigit sampung taon na? “Shinna!” Muling tawag mula sa labas. “Papasok na ako.” Hindi siya tuminag. Narinig niya ang pagbukas at muling pagsara ng pintuan. "Kanina kapa nandiyan. Wala kabang balak umahon? Darating na ang tutor mo." Doon lang siya nag-mulat ng mata. Isang bagay na nagustuhan niya sa sitwasyon ay ang pag-aaral. And she is very good with algorithms. She enjoys math and physics—programming and solving some weird and complicated codes before she even gets aware of it. Pero lately nga ay nawalan siya ng ganang mag-aral. Bakit pa gayung aanihin lang din daw siya pagdating ng panahon. Si Eva na kanina pa nagtitimpi ay tinaggal ang stopper ng bathtub upang mag-drain ang gatas. “ Shinna! Ano bang nangyayari sayo? Tumayo kana diyan!” Naramdaman niya ang unti-unting pag-baba ng pinagbabaran. Hindi siya nag-panic dahil wala siyang pakialam kung makita nito ang kahubaran niya. She often sees her naked body, too, when she’s making out with someone. Kung anong mayroon siya ay mayroon rin ito.  “Kumilos kana diyan!” Maotoridad na utos nito. Patamad siyang tumayo at umalis sa bathtub. Hindi nag-abalang takpan ang saril.  Hindi napansin ng dalaga ang inggit na dumaan sa mata ni Eva habang nakatitig sa malasutla nitong  balat at magandang hubog ng katawan. “Mag-iingat ka at madulas.” How Shinna wished she is really concerned about her. Kaso alam niyang ginagawa lang nito ang trabaho. No more, no less. One time na may nakapasok na lamok sa kwarto niya at nakagat siya sa kaliwang pisngi, the next day ay nakita niyang may pasa ito sa mukha na tila sinampal ng kung sinuman. Ganuon din ng aksidente siyang masugat. Hindi ito nagsasalita but she can feel her hatred towards her sometimes. Hinanda ni Eva ang shower pati na ang mga gagamitin njya. Everything she used on her body is made from natural ingredients. She was basically living like a princess. Prinsesang nakaka-kulong sa isang matayog na tore sa gitna ng kagubatan. She remembered reading something about the same story when she was young. Hindi na nga lang niya gaanong maalala sa sobrang tagal. Hindi kasi siya pinapayagang magbasa ng kahit anong pambatang kwento mula nang dalhin siya sa lugar na yun. Human memories fade easily, bukod pa sa literal na nagkaroon siya ng temporary memory loss due to some shock experience years ago. May mga eksenang paulit-ulit na bumabalik sa kanya pero hanggang sa tuluyan iyung maging malabo ay hindi naging malinaw kung ano ang ibig sabihin. Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang binalutan nito ng bathrobe. “Dalian mo  na at pupunta ka muna saglit sa clubbyhole.” Napatingin siya rito. Pero hindi nagawang ibuka ang bibig upang magtanong. Pinaupo siya ni Eva sa harap ng tokador at siyang nag-punas ng buhok niya. Pagkatapos ay gumamit ng blower upang patuyuin ng bahagya ang hanggang bewang niyang buhok. “You should start doing this for yourself, Shinna. Ilang beses na kitang sinabihan pero lagi mo nalang akong hinihintay gawin ang mga bagay para sayo.” “Bakit? Aanihin naba ako?” Bulalas niya. Nakita niya ang bahagyang pagkakatigagal nito mula sa salamin. “W-Where did you get that idea!” Tarantang sabi nito. “Masyado kang maraming iniisip. Ang gusto kong gawin mo ay ang matutunan ang mga itinuturo ko sayo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nasa tabi mo ako. Kung sana'y hindi lang sa pag-aaral ng mga walang silbing codes at pagpipinta ang interes mo." "Why Eva? Para saan ang mga paghahandang ginagawa mo para sa akin?" Sa unang pagkakataon ay taong niya rito. Pinagsalikop ang mga kamay sa kandungan. Umilap ang mga mata nito bago natuon sa kanya. Nagtama ang mga mata nila sa salamin. “M-Malalaman mo rin siya pagdating ng araw.” For some reason, ay nabasa niya ang sympathy sa mukha nito. And Shinna couldn't explain that fear she always felt whenever Eva unintentionally give her that kind of gaze. “Magbihis kana," anito at ibinalik ang blower sa tokador. Tumalima siya. Maya-maya ay binuksan nito ang isang pintuang kanugnog ng sariling kwarto at pinapasok siya. Maliit lang ang silid at tanging isang couch ang naroon. Sa isang panig ng kwarto ay isang malaking salaman. Isa pa iyun sa rutina niya. Atleast once a month ay pinapapasok siya ni Eva doon ng thirty minutes without doing anything. Lagi lang siyang umuupo sa naroong couch. Naglakad siya sa salamin sa unang pagkakataon at tinitigan ang sariling repleksyon.Sa buong sampung taong pananatili doon, ang tangging taong nakasalamuha niya ay si Eva at ang mangilan-ngilang private tutors niya sa ibat-ibang subject. Ang mga taong lihim niyang tinatanaw sa baba at ang taong alam niyang nasa likod ng salamin. She knew for sure that someone is staring at her on the other side. “S-Sino kaba? Ano ang purpose ng gingawa mo sa akin?” She asked bravely. Mukha siyang tanga sa ginagawa pero gusto niyang isipin ng abductor niya o kung sino mang nagkulong sa kanya doon na aware siya sa presensya nito. Nang walang makuhang sagot ay muli niyang tinitigan ang sarili sa salamin. Sa paglipas ng panahon ay kapansin-pansin ang pagbabago ng sarili. She was a bit taller compared to Eva. Ang huling kuha ng babae sa height niya ay nasa five feet, four inches na siya. Very white na parang labanos ang kutis and a brunette. Ang mga mata niya'y kulay abo. Ibang-iba ang itsura kumpara kay Eva. Minsan ay nadulas ang babae at sinabi nitong hindi siya purong Pilipina kaya ganuon ang itsura niya. At hindi nakaligtas sa pandinig ang bahagyang angil sa tinig nito nang sabihin iyun. Tumaas ang kamay niya at humawak sa salamin. She closed her eyes tightly and whispered in her mind. Whoever you are, hindi ako papayag na maisakatuparan mo ang plano mo! Nagmulat siya ng mata at tinitigan  ng matiim ang sariling repleksyon. Sana’y makarating sa kung sinumang nasa kabilang panig ang mensahe sa mga mata niya. Maya-maya'y bumukas ang pinto at sumungaw si Eva sa gulat niya. “Halika na Shinna.” Tawag nito. Hindi ito nagdalawang salita at agad siyang tumalima. Pinagtakhan ang mabilis na pananatili doon hindi tulad ng dati. Tinalikuran niya ang salamin at tuluyang lumabas sa maliit na silid na iyun. Samantala, si William sa kabilang panig ng salamin ay hindi agad nakagalaw. Hindi siya dapat pumasok doon. Isa ang lugar sa mga ipinagbabawal pasukin ninuman. But he got so curious. Umakyat siya upang tawagin si Don Alvarez dahil sa emergency overseas call mula sa Russia. Hanggang labas lang siya ng pinto pero mukhang inaasahan na nito ang tawag kaya naiwan nitong nakabukas ang pintuan. At namangha siya sa nasilayan. After ten years of being secretly haunted ay nakaharap niyang muli ang batang anak nina Shiina at Crisanto. Pagkatapos ng insidente sa tabi ng bangin ay hindi na nila nasilayan  ito. Aware silang magkakapagid sa taong binabantayan nila sa mataas na toreng kanugnog ng mansion ng mga Alvarez sa naturang lugar pero hindi niya akalaing ito ang batang iyun. Minsan ay nahuhuli niyang sumisilip ang sinuman sa pwestong kinatatayuan niya mula sa bintana pero hindi niya maaninag ang kabuuan niyo dahil nakapatay ang ilaw sa kwarto sa tuwing gagawin iyun.. William was already amazed by her beauty when she was young, but he was bewildered now. Kanina ay hindi niya magawang kumurap. She looked exactly like her mother but on another level. She was more than the word beautiful. She was breathtaking! Kanina pa nakaalis ang babae ay nanatili siyang naroon. Tunog ng hawak na walkie ang nagpabalik sa huwisyo. Ang kapatid na si George. “Forgetting about the time, brother? You are nowhere to find.” Tumaas ang kamay at tumingin sa orasang pang-bisig at tinignan ang oras. “Shit!” napamura siya. Hindi niya napansin ang oras na dapat ay papalitan na niya ang isang kakambal sa pwesto nito. “I'll be there in a sec George.” “Make it fast brother!" Anito sa kabilang linya at pinutol ang komunikasyon. Nagmamadali niyang nilisan ang silid na iyun. Ipinagpasalamat na walang nakakita sa kanya. Don Alvarez is a ruthless man at hindi nito palalampasin ang mga ganuong aksyon kahit isa pa sa kanilang magkakapatid. He knew him very well. Ang alam ng mga tao ay mabait, kalmado at pilantropo ito. But the truth is that he is not. Ang tanging nagpapanatili sa kanilang magkakapatid sa poder nito ay sa kadahilanang kinupkop sila ng matanda nang mamatay ang mga magulang nila. They were teens when their parents were assassinated. Ang ama na si Jean Pierre Legrand ay isang French diplomat na based sa Russia. Twelve years old sila nang manirahan ang mag-anak doon. Nang mamatay ang mga ito ay napunta sila kay Don Alvarez. A Filipino philantropist. Kung bakit sila kinuha ng matandang don ay hindi rin nila alam. Very heroic sa paningin ng iba pero lately ay na-realized nila kung bakit nito ginawa iyun.  Rodrigo Alvarez is the type of man who will never do good deeds without gaining something in return. Ganuon ito kagaling na negosyante. He is using the three of them for his own protection. Alam ng mga kalaban nitong hawak silang magkakapatid ng matandang Don kaya walang mangingiming gawan ito ng masama o pagtangkaang pasukin man lang ang mga properties nito. But aside from following his orders, ay hindi naman sila naging malapit rito. Dali-dali siyang bumaba at pinuntahan ang pwesto ni George. Exit iyun sa likod ng mansyon kung saan salitan silang magkakapatid na nagbabantay. Sinisigurado nilang walang makakalapit sa mansyon. But basically they were just assigned there to make sure na walanng makakita sa taong binabantayan nila sa mala-toreng extension ng mansyon. “Fifteen minutes. You owed me fifteen minutes.” Seryoso ang mukhang salubong ni George. Tinapik niya ito sa balikat. “Nagbibilangan naba tayo ng mga pagkukulang natin sa isat-isa?” “Kung ginawa mo ito kay Rick ay mas malala ang gagawin niya sayo. Hindi natin ginugulangan ang sarili nating kadugo.” “Alright. Alright." Natatawang itinaas ang kamay sa ere bilang pagsuko. "Stop being serious George. Madali kang tatanda niyan." Pagbibiro niya na lalong ikinasalubong ng kilay nito. "And you stop being so cheeky!" “Woah! What word para sa trenta'y uno anos na lalaki." Nakangising sabi niya rito. "Sige na ako na ang bahala rito.” Inawan siya ng kapatid at inihanda ni Will ang sarili sa magdamagang pagpupuyat. Mula ala sais ng gabi hanggang alas-dos ng umaga siya nakatoka sa lugar na yun. Minsan ay nami-miss niya ang nasa field. He preferred being in a war. Kaya nga labis-labis ipinagpapasalamat ang pagiging myembro sa Black Eagles. At kahit papaano paminsan-minsan ay nakakaranas siya ng totoong aksyon pinanabikan. He hated being a member at first, lalo at hindi nila agad nakasundo ang apat pa na myembro. Nasanay silang magkakapatid na sila-sila lang ang magkaka-partner. Kahit nang mapadpad sila sa Syria at Afghanistan at mapabilang sa mga grupo ay nanatiling silang tatlo ang magkakasangga. But eventually ay nakasundo rin nila ang iba. Thanks to their leader Hans Monteblanco who tried to strengthen the bond between the seven of them. Hindi sinasadyang mapatingala siya sa tinatantantyang ikalimang palapag na pabilog na tore kung saan ang tuktok nun lang ang tanging may ilaw. Nasisilip mula sa maliit na siwang ng black out curtain ang liwanag. Senyales na may nanahan doon. Kabisado niya ang oras ng pagpatay ng ilaw at ang bahagyang pagbukas ng kurtina. Nais siguraduhin ang hinala na ang batang anak ni Crisanto nga ang naroon. Kaya naman ginawa niya ang nakagawiang rutina na i-check ang kalapit na mga puno at mayayabong na mga halaman bago dumating ang oras ng pagsilip ng kung sinumang naroon. Maliwanag ang buwan at umasa ang binatang muling masilayan ang babae. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD