bc

Beautiful Liar (Completed)

book_age18+
15.6K
FOLLOW
81.6K
READ
drama
twisted
cruel
like
intro-logo
Blurb

Tinakasan niya ang kaniyang nagawang kamalian noon kahit na ito ay nagbunga. Pero paano siya iiwas kung ang kanyang iniiwasan na tao ay hinahanap siya?

Muli siyang nagpatukso kahit na alam niyang mali. Pero paano kung ang lalakinh tinatakasan niya ay handang ayusin ang mali niya noon at malaman niyang mahal pala siya nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 (Amoy)
Maraming tao sa field nang Southland College kung saan nakaupo ang maraming gagraduate ngayong taon. Isa ako sa mga gagraduate na mga iyon. Walang pagsisidlan ang aking kasiyahan sa kabila ng lahat na pinagdaanan ko ay nagawa kong hawakan ang aking diploma at makaapak sa entablado bilang isang patapos nang studyante. Handa na akong harapin ang anumang pagsubok. Handa na ako sa bagong buhay na haharapin. Hindi man nakadalo si nanay ay masaya parin ako. Sa lumipas na mga taon ay nagsumikap ako mag isa pero may gabay ng aking ina. Hindi rin nawawala ang mga kaibigan kong nagsusuporta at kung walang pasok ay halos dito na magbakasyon. Maswerte parin ako sa kabila ng lahat. Masaya na ako sa mayroon ako ngayon. Ang saya ko ay hindi magkamayaw. Sa ihip ng hangin at matarik na araw ay nagsiliparan ang aming mga diploma. "Congratulations!!" isang confetti ang sumabog ng pumasok ako sa bahay namin sa Balicaocao. Dito parin ako sa nagdaang taon. Napangiti ako at inisa isang niyakap ang aking tatlong kaibigan. "Oy, congrats rin ah. Graduate narin kayo!" Graduate narin sina Vicco, Chelsea at Kris. "Kaya nga kami nandito! Baka dito narin ako maghanap ng trabaho!" napamulagat ako sa sinabi ni Vicco. "Hala? Sure ka?" hindi makapaniwala sila Chelsea lalo na ako. "Oo naman! Daming guwapong armies dito. My goodness!" Umirap ako at nilapag na ang mga gamit sa sofa. "Magbibihis lang ako ah. Aling Pena, salamat po sa pagluto. Kain lang po kayo." Hanggang ngayon wala paring anak sina Aling Pena kaya sa nagdaang taon ay naging malapit ako sa kanila at tinuring nila akong anak. Nagbihis ako sa ibabaw ng bahay. Ilang sandali ko pang tinitigan ang sarili sa salamin at nahulog ang aking pag iisip. Lahat tayo ay nakaranas man sa punto na halos susuko na pero tingnan niyo...andito parin tayo. Noon, dahil sa kahirapan ay napilitan akong maging isang bayaran. Ni hindi ko rin maimagine sa sarili ko na ganon ako at nagagawa ko ang mga iyon hanggang sa nagmahal ako ng isang lalaki. Sinubukan kong lumaban hanggang huli. Masakit man na ayaw niya sa akin tinanggap ko iyon at mahal ko parin hanggang ngayon. Napahawak na ako sa aking maliit na tiyan. Masaya parin ako. Pambihira nga ang aking buhok ay mabilis humaba. Ang malapyaw na kulay orange nitong kulay ay mas naging matingkad pa ngayon pagkatapos itong maputulan ni Senyora Agnes noon. Imbes na maging pangit ang resulta ay mas nagustuhan ko ito ngayon. Hindi ako nagtanim ng galit ninuman. Gusto ko nalang nang katahimikan sa buhay ko ngayon. Ilang taon na akong nananahimik at iyon ang aking gusto. Bumaba ako sa sala namin na mayroon kakaunting bisita. Napasinghap ako ng makitang may mga nagbabantay rin pala sa labas para mabigyan. Sila Vicco naman ay nag uusap na sa pag bar namin mamayang gabi sa Dumaguette. Marami na akong napuntahan na bar dito. Dahil narin sa kagagawan nila Vicco. Wala rin akong masyadong naging kaibigan dito dahil nga puro lang ako skwela, bahay at bar. "Aling Pena, bigyan natin sila," sabi ko at kinuha ang mga plastic para lagyan ng salad at spaghetti para mabigyan ang mga tumitingin sa labas. "Oh sige Ava. Alam mo naman mga tao sa atin dito." Tumawa nalang ako at umiling. "Bigay nalang po natin, hindi natin to mauubos." Nilapitan ko sila Vicco at naupo doon. "Uy, bar raw mamaya?" Tumango ako. "Sige, hindi ko pa naman sched bukas sa interview ng South Gate inn," "Mabuti kapa may nag aabang sayo agad. Ang suwerte mo talaga Ava." Umirap ako. "Kayo rin naman ah. Tsaka ako ang maswerte sainyo.Ang kayo kaya ng Negros sa Manila." "Dalaw karin kaya doon Ava? You know..hang out!" Suhestiyon ni Kris. Natahimik ako. Maliit ang mundo para sa amin doon ni Faustino. Baka kung makita nila ako..sasaktan nila akong lahat dahil sa mga nagawa ko. "Ava," ginanap ni Vicco ang kamay ko. "Natotrauma ka parin ba?" nag aalala ang boses nito. "H-Hindi naman masyado.." sagot ko. "Ay oo nga pala hindi na. May kahalikan ka na nga sa bar sa Duma di'ba? Yung last time!! Diyosko akala ko hindi kana makakabalik e. I saw you two kissing! Grabe! Inantay kong mayugyog yung-" "Vicco!" saway ko sa kaibigan dahil baka marinig ni Aling Pena. Namula ako ng husto lalo na namg sinundot sundot ako nila Kris at Chelsea. Pinalo naman ako ni Vicco ng throwpillow. "Ang landi mo! Biga bigaon ka!" natuto na nga sila ng lengguwahe dito. "Sino ba yung mysterious guy na iyon Ava?" tanong ni Vicco. Natahimik ako. Hindi ko kasi iyon kilala at sa tuwing nalalasing ako ay namamalayan ko nalang ang sarili kong hinahalikan ng lalaking iyon. Tandang tanda ko ang lalaking iyon dahil sa kanyang katawan na hindi mawaglit sa aking isipan ang mga ungol niya sa tuwing nadidiin ang aking katawan.. "H-Hindi ko kilala yun e." Napasinghap sila at umiling. "Ikaw na talaga Ava! Nasayo na ang korona virus- este korona!" "Abno ka!" sigaw ko dito at tumawa. Sumapit ang gabi na kumakalabog na ng husto ang aking puso. Sa hindi ko mawari ay nakaramdam ako ng excitement na maramdaman ang haplos ng lalaking iyon. Tanggap ko na ganito na ang buhay ko at kahit anong gawin ay hindi kailanman matatanggap ng lalaking aking mahal. Siguro, hindi nga talaga kami puwede. Kahit ano man ang mangyari ang bawal ay bawal. Hindi ko na ulit ididikdik ang sarili ko sa taong hindi para sa akin. Dito na natutulog sila Vicco kapag nagbabakasyon. Nagkalat na ang kanilang mga damit sa kama ko. "Ava, grabe. Bagay na bagay sayo ang kulay pula." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Chelsea. "Ikaw rin bagay sayo ang black." "Oo nga. Nagmukha tayong mayaman tas' bodyguard natin si Vicco!" Pinagsasabunutan kami ni Vicco kaya tumawa kami ng malakas. "You ruin my hair!"sigaw ni Kris na naiinis. "Mga bigaon kamo!" umirap si Vicco pagkatapos iyong sabihin. Dala ni Vicco ang kanyang sasakyan. Nasa legal na siyang edad kaya kanya na iyong madadala lalo na't may lisensya naman siya. Iyon ang laging dala namin Dumaguette kapag magbabar. Nakapunta narin kami nang Zamboanga at Cebu. "Sa susunod sa Bacolod naman tayo. Gala tayo sa lagoon nila doon." sabi ni Vicco. "You've been there?" tanong ni Chels habang ako ay nakikinig lang at tumitingin sa mga nadadanan. "Once. Nang pauwi akong Manila from here." Pinark ni Vicco ang sasakyan sa parking area. Halatang maraming tao na ang nasa loob. Inayos ko ang sarili nang lumabas at tumabi kay Vicco. "Baka may magselos na naman sa akin niyan ha. Baka majombag ako noong hot in the dark na fafa mo." "Loko!" pinalo ko siya sa braso at pumasok na kami. Tulad rin ito ng sa Manila na napuntahan ko. Ang pinagkaiba lang ay lengguwahe. Isang bucket ng lights agad ang nasa mesa at binuksan iyon tsaka nagcheer kami sa ere. "Congratulations Ava! More blessings to come! At sana mabinyagan ka ulit mamaya!" Tumawa kami ng malakas. Dahil sa saya na nararamdaman ko ay nawala na naman ako sa aking sarili. Nakailang buckets na kami ng inumin at nakita ang sariling nasa dance floor na. Nakakalunod ang tugtugin. Nilingon ko si Vicco at ang dalawa pa pero hindi ko na mahagilap. Nakakaramdam ako ng kaba kapag nag iisa at nararamdaman ko ito ngayon. Huminto ako sa pagsasayaw at hinanap sila. May mga humihila sa akin na hindi ko kilala pero winawaksi ko ang mga iyon. Sinubukan kong pumunta sa ikalawang palapag ng bar at kinapa ang aking bulsa pero hindi ko dala ang aking cellphone. "Saan na ba ang mga iyon?" lumiko ako sa isang pasilyo at nakitang madilim banda doon kaya hindi ko nalang tinuloy. Babalik na sana ako sa sa ibaba nang may humawak sa aking baywang habang nakatalikod ako. Pamilyar ang kanyang amoy. Sigurado ako. Siya ang kahalikan ko dito. "Congratulations.." bulong niya sa aking leeg at hinimas ang aking baywang. "S-Sino ka.." nangangatog ang aking binti. Narinig ko ang kanyang halakhak. Kumislot ang aking puso. "You can't remember me? Hmm? I was sucking your pussy last time and you can't remember it?" Nasapo ko ang noo dahil sinubukan ko iyong kalimutan dahil kinakabahan ako sa tagpong iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.7K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.4K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.4K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.1K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.9K
bc

Be Mine Again

read
99.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook